Chapter 46

2.7K 64 1
                                    

Danger

*

Zyra Lianne Alvarrezz

Ding - Dong

Pindot ko sa doorbell ng gate namin. Kakauwi ko lang galing school. Yeah. Hindi ko kasabay umuwi ngayon si Sage. Ngayon kasi ang third game nila at last game na 'rin ata.

Ayoko muna manood. Alam ko naman na sila mananalo eh. Tsaka, ewan ko ba. Hindi ko lang talaga feel manood at mag-cheer ngayon. May nagsasabi sa'kin na parang wag na ako manood ngayon, kaya sinunod ko nalang.

Bumukas na 'yung gate. Pagpasok ko sa loob wala si Yaya Nellyn na palaging sumasalubong sakin tuwing nauwi ako galing school.

"Yaya..." Nag-echo 'yung boses ko dahil sa tahimik ng paligid ko. Bakit ganito? Feeling ko parang may mali. Pumunta ako sa kusina wala 'rin siya doon. Pumunta rin akong garahe wala rin si Butler. Pati sa mga kwarto nila wala 'rin.

Nasaan na ba sila? Day off ba nila? Alam ko hindi pa naman. Napatingin ako sa may side papunta sa kwarto ko. Medyo bukas kasi 'yung pinto ko. Pero hindi pa naman ako napasok don, ah? Bakit bukas 'yun? Pinuntahan ko nalang. Natigilan ako sa mga nakita ko.

Yung mga picture frames namin nila Kuya, Daddy at Mommy basag basag lahat sa sahig. Yung kama at cabinet ko lahat ng gamit ko kalat kalat sa sahig at kama ko. Kahit saan ako tumingin sobrang gulo.

Napaupo ako ng makita ko si Yaya Nellyn. Duguan at nakahiga sa sahig. Nabitawan ko lahat ng hawak ko at tumakbo papunta sakanya. Nilagay ko ang ulo niya sa may legs ko. Kinuha ko 'yung panyo ko sa bulsa ko at tinakpan ang sugat niya sa may noo na kanina pa dumudugo. Hindi ko na napigilan umiyak. Naiiyak ako sa mga nakikita ko.

"Y-Yaya, gumising ka. Y-Yaya please..." Hinawakan ko ang pisngi niya. Pinunasan ko agad ang mga luha ko sa pisngi ng unti-onti niyang ibukas ang mga mata niya. Ngumiti siya sa'kin.

"Y-Yaya, sabihin mo sa'kin sinong may gawa nito sayo? S-Sabihin mo. S-Sino?" Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. Ang mga luha kong kaninang pinunasan, hindi na tumigil kakatulo. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. Mas lalo akong naiyak dahil sa ginawa niya.

"Y-Yaya, please magsalita ka." Tumingin siya sa'kin. Sobrang hina niyang tignan ngayon.

"U-Umalis kana dito P-Princess." Hirap na hirap siyang sabihin 'yun. Tinignan ko siya ng nagtatanong.

"Ano bang pinagsasabi mo? Umalis ako dito at iwan ka? Hindi ako ganon Yaya at hinding hindi ko gagawin 'yun." Niyakap ko siya sa may uluhan niya. Humagulgol na ako. Sobrang sikip ng nararamdaman ko ngayon dito sa may dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos.

"P-Princess ang Daddy mo..." Lumayo ako sakanya. Kinuha ko ang papel na inabot niya sa'kin kasabay non ang pagsarado ng mga mata niya.

"Y-Yaya..." Niyugyog ko siya kaso hindi na siya gumagalaw. Hinawakan ko ang kamay niya don banda sa may bandang pulso niya kaso, wala na. Hindi pwede 'to. Hindi!

"YAYA!" Niyakap ko siya ng sobrang higpit at don na ako umiyak.

"Sinong walang puso ang gumawa sayo nito Yaya? Bakit ikaw pa? Bakit hindi nalang ako?"

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon