Unexpected Guest*
Zyra Lianne Alvarrezz
Nilapitan ko 'yung lalaking 'yun. Alam kong siya talaga 'yun eh. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya lang ang may ganung kabaduy na ringtone. And yes! Just what I thought. It's really him. He looked at me, like he was too surprised to see me. Nice try, playboy.
"Oh. Ikaw pala, Princess Zy. So kilalang kilala mo pala talaga ang ringtone ng phone ko? How sweet." Pang-asar na sabi ni Kenrick sa'kin. Tinignan ko lang siya using my so called 'Cold Deadly Glare'.
"Malamang. Ikaw lang naman ang may ganyan kabaduy na ringtone. Sabi kong palitan mo na 'yan diba?" Ngumiti naman siya sa'kin at umiling iling.
"Baduy nga para sayo at sa iba. Pero para sa'kin maganda 'to. Ayoko ngang palitan, bakit ba? Mas gusto ko 'to kasi naaalala mo'ko pag naririnig mo 'yan." Tumawa lang siya at napairap nalang ako sa hangin.
"Whatever Ken. Bakit ka nga pala nandito?"
"Satingin mo, bakit ako pumunta dito sa Pilipinas?" Nakangisi niyang tanong sa'kin. 'Yung totoo manghuhula ba ako?
"Ano bang akala mo sa'kin manghuhula para malaman kung bakit ka napadpad dito?" Sarcastic kong tanong sakanya. Which made him laugh his ass out even more. Ugh! So annoying.
"Ito talaga, hindi na mabiro. I know, hindi ka manghuhula kasi sa ganda mong 'yan, manghuhula ka lang? Nako. Sayang. Pero ang totoo kaya ako napunta dito kasi sinundan kita." Sabay kinurot ang pisngi ko. Grabe naman 'to makakurot. Parang matatangal na pisngi ko sa sakit.
"Hindi siya masakit, Ken. Sige kurutin mo pa."
"Oopss! Sorry Princess Zy. Ang cute mo kasi eh. Hindi ko mapigilan." Sabi niya at ngumiti lang ulit siya sa'kin. Inirapan ko lang siya at nagwalk out na'ko. Hindi naman kasi siya ang pinunta ko dito. Yes close kami sa isa't isa. Sanay na 'rin sa'kin 'yan lalo na sa pagkataray ko. And sanay na din ako sa pagkurot niyan sa pisngi ko pero sa susunod na ulitin niya pa 'yun, aba't talagang masasapak ko na siya nang 'di oras.
"Hey, saan ka pupunta? Tsaka sino ba talagang kasama mo dito? Himala wala yata si Butler Timothy."
"Wag mo nang alamin. Tsaka pwede ba, mind your own business Ken." Narinig ko lang siyang tumawa pero alam ko nakasunod pa 'rin siya sa'kin. Umupo muna ako sa may bleachers doon sa loob ng mall. Umupo din siya sa tabi ko.
"Bakit mo ba ako sinusundan?" Tanong ko sakanya. Tumingin lang siya sa'kin at ngumiti. Great. Just great Ken. Naramdaman kong nag-vibrate cellphone ko sa loob ng bag ko. Baka si Hannah na 'to kaya sinagot ko agad.
"Hello?"
"Bes Zy, si Hannah 'to. Zy sorry hindi ako makakapunta ngayon. Pinatawag kasi ako bigla ni Pres sa school eh. May emergency daw." Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot dahil doon. Ngayon na nga lang kami magkikita may emergency pa. Pero ano nga bang magagawa ko diba?
"It's okay, Hannah. Mas importante naman 'yan kaysa sa pag mall at shopping natin."
"Hays. Basta babawi nalang ako sayo next time okay?"
"Okay Hannah. No worries. Sige na baka malate ka pa sa pupuntahan mo."
"Sige Zy. Thank you. Actually on the way na ako papunta doon. I forgot to tell you na marunong na pala akong madrive. It's cool, right? Tinuruan ako ni Dad para naman daw magamit ko ang regalo niyang kotse sa'kin. Kaya sa susunod road trip din tayo." Napangiti nalang ako sakanya dahil halatang excited na excited na siya. Feel ko tuloy nakanguso siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Ficção Adolescente(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...