Hurt
*
Zyra Lianne Alvarrezz
Nandito na ako ngayon sa loob ng Event Hall. Nagsasaya, syempre. Sa totoo lang first time ko talaga uminom ngayon. Ewan ko ba. Feel ko lang talaga uminom ngayon. Pampakalimot siguro?
Pero nakakapagtaka 'rin kasi pwede pala uminom ng ganito dito. Ah basta. Feel ko lang talaga uminom ngayon. Siguro, dahil 'to sa hindi ko mapaliwanag na nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako sa hindi ko malaman na dahilan. Well, let's face the truth. Dahil siguro 'to doon sa kaninang nangyari.
Fuck.
Hindi ko makalimutan ang mga sinabi sa'kin ni Sage eh. Bakit ganito nalang kalakas ang epekto sa'kin ng mga 'yun? Gusto ko lang naman siya eh. Gusto lang.
Pero wait.
Siya gusto ko?
Nababaliw na nga ata ako. No. Never. Hindi ko siya gusto. Pero kung ganon, bakit ganito kasakit nararamdaman ko ngayon? Hays. Ang gulo gulo na talaga. Ayoko na. Idadaan ko nalang 'to sa inom. Para makalimutan ko lahat.
Iinom pa sana ako ng isa pero may kumuha bigla non sa kamay ko at siya ang uminom. Bastusan lang? Tinignan ko siya. Pero 'di ko na makita ng maayos ang mukha niya, kasi nahihilo na ako, tsaka 'di ko na 'rin nararamdaman 'yung sakit kanina. Ang galing naman. Ganito pala ang feeling kapag nalasing kana. Para kang high na high.
Teka lasing na nga ba ako? Kumuha pa ako ng isa, pero kinuha nanaman nung epal na lalaki. Inuubos niya ata pasensya ko ah. Hinarap ko na 'yung lalaki at tinignan ng masama. Kahit 'di ko na talaga makita ng maayos ang mukha niya.
"Ano bang problema mo, ha? Alam mo bang sa'kin lahat nang ininom mo kanina? Tsk. Pwede ka naman kasing humingi dyan sa bartender, bakit sa'kin pa ang iniinom mo, ha? Bastusan ba tayo dito? Party 'to Kuya. Tsaka, sino ka ba sa akala mo, ha? Bisita ka lang din naman dito." Dire-diretsyo kong sabi sakanya. Medyo napapalakas boses ko habang nagsasalita. Lasing nga kasi, diba? Tsk. Pero hindi siya sumagot. Inuubos niya talaga pasensya ko ah? Bahala nga siya dyan.
"Kuyang bartender, pwede pahingi pa ng isa, yung tequila ulit ha?" Mga lalaki talaga bwisit sa buhay eh. Tsk.
"Okay po Ma'am." Sagot nung bartender na lalaki.
"Ano bang problema mo? Bakit ka umiinom?" Tanong nung lalaking umaagaw sa mga iniinom ko kanina.
"Pakielam mo ba sa mga gusto kong gawin, ha? Tsaka hello, party kaya 'to! Isa pa, buhay ko naman 'to, so mind your own life. Okay?" Sabi ko sakanya kahit hindi ko na siya nakikita ng maayos tinarayan ko pa 'rin siya. Palaban dapat tayong girls.
"Here's your tequila Ma'am. Enjoy." Sabi nung lalaking bartender sa'kin. Agad kong kinuha 'yun at ininom ng diretso. Hooooo! Ang sarap. Sabay kinain ko 'yung lemon. Pagkatapos ko gawin lahat 'yun tumayo na ako. Ayoko na mag-stay dito. Nabubwisit lang ako sa lalaking yun eh. Masyadong pakielamero ng buhay nang may buhay.
Habang naglalakad ako pagewang gewang na ako. Hays. Yung daanan kasi eh. Nagewang gewang din. Dapat pala hindi nalang muna ako umalis doon. Feeling ko isang hakbang nalang matutumba na ako nang tuluyan.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...