Meet the Gangster Prince and his Friends
*
Zyra Lianne Alvarrezz
"What the hell? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw ko sakanya. Nakakainis talaga. Nabangga niya lang naman ako at nahulog lahat ng hawak ko. Hindi ko nasabi sainiyo dala ko na lahat ng books ko. Hindi na ako nagpatulong kay Butler. Bawal kasi pumasok yun dito sa loob eh hanggang parking lot lang. Dapat students lang daw. Kaya napilitan nalang akong buhatin lahat 'yun.
"Hindi ko kasalanan kung nabangga kita. Ikaw ang may kasalanan kasi hindi ka umalis sa dadaanan ko." Preskong sabi nung lalaking nakabanggaan ko. Wow, ha! Sakanya ba 'tong daanan? Makapagsalita 'tong Engot na 'to ah? Kairita.
"Wow ha! Makapagsalita ka akala mo sayo 'tong daanan, ah? May pangalan mo ha? May pangalan mo? Binili mo? Binili mo?" Nakakahighblood siya, ah! Bwisit na 'to! Late na nga ako babadtripin pa ako lalo.
"So, you don't know me?" Nagtatakang tanong niya sa'kin.
"Well, as you can see. New student lang ako dito at ngayon lang 'rin kita nakita. So, how the hell will I know you then? And wait, why the hell am I talking to you anyways? Engot." Sabi ko sakanya sabay kinuha ko isa isa yung mga books ko sa sahig. Napaka rami naman kasi ng books ko at ang bigat pa.
"So, you're the new student. How nice. Ako pa talaga ang una mong nakilala." Sabi niya sa'kin at nagawa pang ngumisi na parang asong ulol na ewan.
"Yeah, ako nga. I don't care kung ikaw pa ang una kong nakilala. Tabi nga, aakyat na ako." Pumunta na ako sa loob ng elevator. Napatingin ako sakanya. Ngayon ko lang nakita ng maayos ang mukha niya. Gwapo pala siya, matangkad 'rin siya, sobra. Hanggang balikat niya nga lang ata ako eh. Sobrang puti din niya.
Wait, bakit ko nga ba dinedescribe ang itsura niya? Wala naman akong pakialam sakanya eh. He sucks! Nakita ko nalang na bigla siyang ngumiti sa'kin.
"Hindi ito ang huli nating pagkikita. Well, have a nice day." Sabi niya at ngumiti pa ng nakakaloko. Sumarado na ang elevator. Pero ewan ko kung bakit bigla nalang akong kinilabutan nung nakita ko yung ngiti niyang 'yun.
After ilang minutes nakarating na ako sa floor kung saan ang classroom ko. Kamalas-malas ko nga naman. Ang dami nang students na nakatambay sa may labas ng mga classroom nila.
Bigla nalang silang tumahimik lahat. Tumingin silang lahat sa'kin. Gosh! How I hate this scene. Ayoko sa lahat ang maging center of attraction eh. Kaya naman naglakad ako ng mabilis. Biglang naman nahiyawan silang lahat. Well, specifically girls.
"Kyaaah! Andyan na sila!" Sino bang tinutukoy nila?
"Girl pahiram nga ng salamin. Gosh! Papunta na siya sa direksyon natin. Kailangan maganda ako tignan." What the hell?
"Kyaaaaah! Ayan na siya!" Nakakabingi naman dito, makaalis na nga. Teka, hindi ko pa alam kung nasaan ang room ko. Hays. Doon na nga lang ako magtatanong sa lalaki.
"Excuse me, pwede bang magtanong?" Kakapalan ko nalang ang mukha ko. Pasensya naman hindi ko pa kasi kabisado ang mga rooms dito eh. Hello! New student nga ako eh, diba?
"Ano 'yun, Miss?"
"Saan dito yung room na 1602 New Department?"
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...