Chapter 80

2.8K 60 2
                                    

Always and Forever (Part II)

*

King Sage Luxcido

Papunta na ako ngayon kay Zyra. Binilhan ko ulit siya ng isang bouquet of roses. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto niya parang may nagsasabi sa'kin na dumaan muna sa chapel dito sa loob ng ospital. Kaya sinunod ko ang nararamdaman ko sumaglit ako doon at nagdasal.

Pagtapos kong magdasal agad akong pumunta sa kwarto ni Zyra pero bago ako pumasok mismo sa loob, pumikit muna ako saglit at huminga ng malalim at tuluyan na akong pumasok, pero as usual hindi pa 'rin siya gising.

Napayuko nalang ako dahil sa totoo lang sa tuwing pumapasok ulit ako dito sa loob nagbabakasakali ako na sana gising na siya kahit alam kong impossible. Umaasa pa 'rin ako at hindi ako nawawalan ng pag-asa na isang araw, babalik kami sa dati at magigising ulit siya at babalikan niya ako.

Nilapag ko sa side table niya ang dala kong bulaklak. Saglit ko siyang tinignan at dahan dahan akong lumapit sakanya para halikan siya sa noo at umupo na ako sa tabi niya.

Tuwing nakikita ko siyang nakahiga dyan sa kama niya, yung mga luha ko gusto na agad magsilabasan sa mata ko. Hinawakan ko ng sobrang higpit ang kamay niya kasabay non ang pagbilis agad ng tibok ng puso ko. Wala pa 'rin talagang nagbabago sakin sobrang lakas pa 'rin ng epekto sa'kin ni Zyra. Sobrang mahal na mahal ko talaga 'tong babaeng 'to.

At wala na akong ibang mamahalin pang iba, kundi siya lang.

"Kamusta kana, Baby? Tagal tagal mo ng natutulog dyan, alam mo ba 'yun? Hindi ka ba napapagod matulog? Mamaya mas matangkaran mo na ako niyan, edi hindi na tayo bagay." Lumapit ako sakanya at nilagay ko ang kamay niya sa tapat ng dibdib ko malapit sa puso ko.

"Nararamdaman mo ba 'yan, Zyra? Ganyan ang epekto mo sa'kin. Makita pa lang kita sobra ng bumibilis ang tibok ng puso ko. Ginayuma mo talaga ako, 'no? Sobra na kasi talaga akong adik sayo eh. Mawala ka lang saglit sa paningin ko namimiss na agad kita. Kaya nga halos dito na ako nakatira eh. Pero okay lang, kasama naman kita." Pagtapos kong sabihin 'yun, bigla nalang akong natahimik. Hindi ko alam kung gaano ko na siya katagal tinititigan, basta ang alam ko lang gusto ko nandito lang ako sa tabi niya. Naramdaman kong nagtutubig nanaman ang mga mata ko, pinilit kong wag silang mahulog pero nabigo ako.

In the end, naiyak nanaman ako. Nilayo ko ang kamay niya sa dibdib ko at hinalikan ko 'yun. Pinikit ko ang mga mata ko at saglit nagdasal ulit. Pagtapos kong magdasal, hinalikan ko ulit ang kamay niya at tinignan ko ulit ang maamo niyang mukha. Wala pa 'rin nagbabago sa mukha niya. Maliban nalang sa namamayat na talaga ang magkabila niyang pisngi. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

"Baby, please gumising kana." Yun palang ang nasasabi ko sakanya hindi ko na agad kayang duktungan dahil sa iyak ko. Huminga ako ng malalim at hinalikan ko siya sa labi.

"B—Baby, wag mo akong iiwan ha? P—Please, wag mo akong iiwan." Hinalikan ko ulit ang kamay niya at dinikit ko 'yun sa kanang pisngi ko.

"Alam mo ba pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang pagkamiss sayo. M—Miss na miss na kasi talaga kita Zyra. Y—Yung mga ngiti mo, boses mo, lalo na yung nakakaaliw mong tawa. Miss ko na lahat sayo, Baby ko. Kaya please lang pwede bang gumising kana? P—Please? G—Gumising kana Baby ko." Pagkasabi ko non, nagulat ako ng bigla kong makitang may nahulog na luha sa kanang mata niya. Teka! Totoo ba 'to? Totoo ba 'tong nakikita ko ngayon? Hindi ba ako namamalikmata? Hinawakan ko ang pisngi niya, nagulat ako dahil totoong luha nga 'yun. Bigla akong nabuhayan ng loob. Yayakapin ko sana siya ng biglang tumunog yung makina na nagpapahinga sakanya.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon