Special Chapter

2.9K 57 0
                                    

Trap

*

Stephen Third Laxxers

"Pre! Ayus ayusin mo naman pag pasa ng bola." Tinignan ko lang siya ng masama. Kahit kailan talaga 'tong pangit na 'to makapag utos wagas eh. Daldal pa. Hindi ko siya pinasahan ng bola. Shinoot ko nalang bigla. And sure ball three point shot.

"Naks! Galing mo talaga fafa Third!" Tinignan ko lang siya ng bored look at umupo na sa bleachers. Nagpunas ako ng pawis ko at uminom ng gatorade. Nagulat nalang ako ng pagkaharap ko sa kanan ko mukha ni Steven ang bumungad sa'kin. Napakalapit niya at nakangiti pa na mukhang ewan. Tsk.

"Gumagaling kana fafa Third. Yieeeee! Inspired siya!" Sabi niya sabay tusok sa tagiliran ko. Tsk! Wala talagang magawa sa buhay niya.

"Magsalita ka naman dyan, ano? Totoo 'yun 'no?" Pumikit ako ng mariin at tinabig ko bigla ang kamay niya na kanina pa kinikiliti ang tagiliran ko.

"Pwede ba wag mo nga akong igaya dyan sa kalandian mo? Inspired? Tsk. Mga kalandian lang 'yan." Uminom ako ng last at iniwan na siya doon. Narinig ko nanaman ang mala-baliw niyang tawa. Tsk.

"Hindi ka pala inspired tol. Expired na 'yang nararamdaman mo!" Tumingin ako sakanya. Kinuha ko 'yung bola at walang pasabi na binato ko sakanya 'yun. Napatayo naman agad siya at napatakip sa ulo niya. Seriously? Bola lang 'yun ganon na katakot 'tong ulol na 'to? Well, that's life. Tinalikuran ko na siya at kumuha ulit ng bola. Shinoot ko ulit 'yun. Three point shot again.

"Napaka mo talagang lalaki ka. Batuhin din kita ng bola dyan eh." Iritadong sabi niya sa'kin. Naks! First time 'to ah? Naasar siya sa'kin? Tinignan ko siya. Nakakunot ang magkabila niyang kilay. Kaya hindi ko napigilan matawa. Mukha kasi siyang ewan eh.

"Tinatawa tawa mo dyan?" Tinalikuran ko nalang siya ulit at nag shoot. Sayang lang laway ko kung kakausapin ko payang ulol na 'yan. Tsk.

"Expired kana tol! Expired! Tss." Natawa nanaman ako dahil sa tunog ng pagsasalita niya halata kasing napipikon na siya eh. Improving siya, ah? Naasar din pala ang isang 'to. Napailing iling nalang ako at nagshoot ulit.

3 point shot again. Tumakbo ako papunta sa may ring at kinuha ulit yung bola.

"Hi Hannah!" Pagkasabi niya non napatigil ako bigla sa pagdidribble. Agad akong napalingon kaso wala naman si Hannah. What the hell? Tumingin ako kay Steven. Nakangisi siya sa'kin na parang nang-aasar na hindi maintindihan.

"Akala mo nandito si Hannah, 'no?" Biglang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Binato ko sakanya nang malakas ang bola. Natamaan siya sa tyan at na-out balance siya dahil doon. Wala na akong pakialam.

"Uy, saan ka pupunta?" Hirap siyang magsalita. Well, buti nga sakanya. Nilagpasan ko lang siya at kinuha ko na ang mga gamit ko.

"Third, sumagot ka kapag kinakausap kita." Mukhang napikon nanaman ata siya. Napangisi naman ako dahil doon. Buti nga. Palabas na sana ako ng court ng biglang may bumato sa'kin ng bola sa likod ko. Napaharap agad ako, pasigaw na sana ako ng bigla nalang.

"Bakit mo kailangan batuhin ng bola si Steven? Ano ba talagang problema mo, ha?" Napasigaw na siya. Tumingin ako sa mga mata niya. Halatang mas lalo pa siyang nagalit sa'kin. Nice. Natawa nalang ako ng mapakla. Hindi pa 'rin talaga siya nagbabago. Wala akong nagawa kundi umiling nalang at talikuran siya. Ayaw na ayaw niya talagang nasasaktan ang Prince Charming niya, ha? Grabe lang talaga.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon