Headache & Heartache
*
King Sage LuxcidoNagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Ano ba nangyari kagabi?
Sa pagkakaalam ko uminom lang naman ako ng ilang shot taspos ugh! Hindi ko na matandaan. Basta ang sakit talaga ng ulo ko. Nilibot ko ang dalawang mata ko sa buong kwarto kung nasaan ako ngayon. Anong ginagawa ko dito?
Sa pagkakatanda ko kasama ko si Zyra kagabi, ah? Nasa rooftop pa nga kami eh. Tapos may sinasabi ako sakanya. Pero shit lang kasi ang sakit talaga ng ulo ko ngayon. Hindi ko na maalala 'yung mga nasabi ko sakanya. Hays.
Bumangon na ako at inayos ko na ang sarili ko. Nasaan na kaya 'yun si Zyra? Bakit iniwan niya lang ako dito mag-isa? Hays.
Nasaan ka nanaman ba Zyra? Paghahanapin mo nanaman ako sayo eh. Tsaka teka nga bakit ba palagi ko na siyang hinahanap ngayon?
Lumabas na ako nang kwarto at nakita ko si Nathan na nagluluto.
"Oh, Sage gising kana pala. Sakto kakatapos ko lang magluto." Sabi niya sa'kin sabay ngumiti. Kahit kailan talaga napaka goodboy ng bestfriend kong 'to.
"Paano mo nalaman na nandito ako? Tsaka, nakita mo ba si Zyra kagabi?" Nilapag niya na sa lamesa 'yung mga pagkain namin at tumabi na sa'kin.
"Sa totoo lang ako ang kasama niya buong gabi." Napatingin ako sakanya biglang nawala ang sakit ng ulo ko sa sinabi niya.
"Ano? Tapos ako iniwan niya lang dito?" Ewan ko ba pero parang nainis ako bigla kay Nathan. Gusto ko biglang manuntok at manigaw. Nasaan na ba kasi ang babaeng 'yun? Talagang iniwan niya ako dito para kay Nathan? Really?
"Hindi niya na kasalanan 'yun pre. Syempre Ball party 'yun eh. Kaya dapat lang talaga na magsaya siya. Hindi katulad mo na uminom lang nang uminom at iwan nalang nang basta basta si Zyra."
"Teka nga Nathan, ano bang pinagsasabi mo dyan? Anong iwan si Zyra? Anong uminom ng uminom? Eh siya nga 'tong nang-iwan sa'kin eh." Tinignan niya ako ng parang nagtataka.
"Wag mong sabihing wala kang natatandaan na ginawa mo kagabi?" Tanong niya sa'kin habang nakatingin ng diretso sa mata ko.
"Wala nga."
"Kahit isa, wala?"
"Wala nga ang kulit naman. Kanina ko pa iniisip 'yung mga nangyari kagabi pero wala. Hindi ko na talaga maalala kahit ano. Wala akong matandaan." Tumango tango nalang siya bilang sagot niya.
"Mas mabuti nalang muna siguro na wag mo na alalahanin 'yung mga nangyari kagabi. Sige na kumain kana dyan. Aalis na muna ako may pupuntahan pa kasi ako."
"Sige lang, ingat." Nakipag kamayan ako sakanya bago umalis na siya. Bakit kaya ganon?
Bakit parang feeling ko may ginawa akong hindi maganda kagabi? Pero damn! Bigla nanaman sumakit ang ulo ko. Fuck this hangover.
*
Top Nathan Rodriguez
"Zyra, gising kana ba?" Tanong ng isang pamilyar na boses sa'kin. Pero impossible naman na nandito siya sa bahay ko. Hays. Minulat mulat ko mga mata ko ewan ko ba, pero may nagtutulak sa'kin na bumangon na ako eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/9103079-288-k992282.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Novela Juvenil(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...