Chapter 53

2.8K 64 0
                                    

Trap (Part III)

*

Top Nathan Rodriguez

Nagpark ako sa likod ng lumang building na sabi ni Jethrou na pagkitaan namin. Akala niya ba tanga ako para sumunod sa mga sinabi niya? Hindi! Kilala ko siya. Dahil siya mismo hindi siya nasunod sa mga sarili niyang sinasabi. Gago 'yun eh. Tumingin ako sa paligid ko bago ako lumabas. Buti naman at walang bantay dito. Mga tanga tanga talaga ng mga alalay ng gagong 'yun.

Lumabas na ako at sinigurado kong lock lahat sa loob ng kotse ko bago dahan dahan akong pumasok sa loob ng lumang building. Tumingin ako sa likod ko akala ko kasi may nasunod sa'kin eh. Buti naman at wala.

May isa akong pintong nakita ko doon sa gitna ng hallway, binilisan ko ang pag punta doon pero natigilan ako bigla ng marinig ko ang sigaw nila Third. Binuksan ko agad 'yun at pinasok. Natigilan ako sa nakita ko, what the hell? Ano 'to?

Lumapit ako doon sa bandang may gitna dahil may upuan doon. Nakita kong may voice recorder na nakalagay doon sa upuan. Pinindot ko ang play button at bigla kong narinig ang mga sigaw nila Third at Steven. What the fuck?! Is this some kind of a sick joke or what?!

Binato ko sa malayo 'yun. Pagtingin ko doon sa taas natigilan ako bigla nalang nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi. Hindi 'to pwede mangyari.

"N-Nathan—" Tawag sa'kin ni Third. Nanginginig ako sa takot na baka mapatay na nila sila Third. Hindi pwede 'to. Kailangan may gawin ako. Lumingon lingon ako sa paligid ko nakita ko ang hagdan paakyat doon. Agad agad akong umakyat pataas.

Hindi pa huli ang lahat. Mabubuhay pa sila. Gagawin ko lahat mabuhay lang sila, gagawin ko ang lahat. Lahat lahat!

"Third! Gising!" Paglapit ko sakanya ni wala man lang siyang pasa sa mukha pero may sugat siya sa paa at kamay. Nakatali ang kamay nilang dalawa sa likod nila at pati paa tinali din. Kinuha ko ang kutsilyo ko at agad pinagtatanggal ang mga tali nila. Wala 'rin galos sa mukha si Steven pero may sugat 'rin siya sa kamay at paa.

Mukha silang pagod na pagod na hindi mo maintindihan. Ano ba talaga kasing nangyari sakanila? Gigisingin ko na sana sila pero may biglang pumalakpak sa likuran ko.

"Very good Nathan! Hindi ka sumipot doon kanina kasi nandito kana pala. Wag kang mag alala, hindi ko naman 'yan pinabugbog agad kasi mamaya pa magsisimula ang tunay na laro." Sabi niya sa'kin. Nilagay niya ang magkabilang kamay niya sa loob ng bulsa niya at ngumisi. I don't like that damn smile.

"Anong ginawa mo sakanila? Bakit ganito ang mga itsura nila?" Galit kong tanong sakanya. Tumawa lang siya at tumingin sa'kin ng matalim.

"Pinaamoy ko lang naman sila ng drugs para makatulog sila ng mahaba haba. Mukha kasi silang pagod na pagod eh. You know, I care for them." Hayop talaga siya. Walang kasing hayop. Lalapit sana ako sakanya ng pigilan ako ni Steven. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"Wag ka nang lumapit sakanya." Mahinang sabi sa'kin ni Steven. Tinignan ko siya at mukhang wala siya sa sarili niya. Muntik na siyang matumba kaya sinandal ko nalang siya sa upuan niya.

"N-Nathan. Si H-Hannah—" Bulong niya sa'kin. Si Hannah? Anong meron kay Hannah?

"N-Nandito din siya. P-Please, iligtas mo siya." Sabi niya bago siya mawalan ng malay. Fuck lang talaga! Bakit kailangan pa nilang idamay dito sa Hannah?! Nababaliw na ba talaga sila? Hinarap ko na agad si Jethrou, naninigarilyo na pala siya ngayon. Hindi bagay sa tingting niyang katawan.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon