Ball Party (Part II)
*
King Sage Luxcido
Hays. Nakakainis si Nathan. Dati naman ang tahimik ng ugok na 'yun ah? Tas ngayon bigla bigla nalang dadaldal. Nakakahighblood eh.
Naghilamos nalang ako. Para kahit papaano magising ako. Kanina pa kasi nalutang utak ko eh, kung ano ano tuloy naiisip ko.
Ang sabihin mo kanina mo pa iniisip si Zyra.
Hoy! Hindi totoo 'yun ah! Tss. Bakit ko naman iisipin ang amazonang babaeng 'yun?
*RING - RING - RING*
May natawag pala. Unknown number? Sino naman kaya 'to?
"Hello? Who's this?" Tanong ko sa kabilang linya. Narinig kong huminga siya ng malalim.
"Ingatan mo si Zyra." Sabi niya sa'kin. Sa hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko bigla nalang akong kinabahan. Pero agad din naman nawala.
"Sino ka? Paano mo nakilala ang girlfriend ko?" Tanong ko sakanya. Talagang in-emphasized ko 'yung word na 'Girlfriend ko'. Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.
"Sa pagkakaalam ko. She's not your real girlfriend. She's only your pretending fake girlfriend, right?" Tangina. Paano niya nalaman 'yun? Sino ba 'tong kutong lupa na 'to?!
"Alam ko iniisip mo kung paano ko nalaman yun. Well, I have my own sources. Kaya mabuti pang ingatan mo si Zyra habang na sayo pa siya. Dahil kapag nakita kong umiyak siya ng dahil sayo, hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo. Well anyway, enjoy your ball party. Bye."
"Teka lang!" Halos napasigaw na ako sa pagsabi niyan.
"Why, any problem?" Pa-inosenteng tanong niya sa'kin na mas lalo kong kinainis.
"Who are you? Paano mo nakilala si Zyra?" Tanong ko sakanya. Imbis na sagutin niya ang tanong ko tumawa lang siya.
"As I was saying I have my own sources of information about you and Zyra. So don't freaked out, okay? Don't worry as long as Zyra is happy with you hindi ako mangingialam sainiyo at hindi ko siya kukunin sayo. Just take care of her, okay? Kakampi mo ako. Pero magiging kaaway mo lang ako kapag nakita kong sinaktan mo si Zyra. Sinasabi ko sayo 'to dahil sa oras na makita ko 'yun hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo agad agad." Natawa ako sa sinabi niya. Grabe ah! Taas ng confidence level na maaagaw niya talaga sa'kin si Zyra.
"Tapang mo 'rin ah? Well, gusto ko 'rin sabihin sayo na kahit kailan hindi ko magagawang saktan si Zyra dahil sayo marami akong narealized and thank you for that. Pero sinasabi ko 'rin sayo hinding hindi mo makukuha sa'kin si Zyra. Magkamatayan muna tayo bago mo siya makuha sa'kin. Mark my words, she's mine." Matigas kong sabi sakanya. Huminga siya ng malalim.
"Just take care of her. Kapag may nangyaring masama sakanya. I swear, asahan mong mawawala na siya sayo na parang isang bula." Pagkasabi niya niyan I-nend call ko na agad. Ayoko ng humaba pa ang usapan namin ng kung sino man yun. Pero sige aaminin ko kinabahan ako sa mga sinabi niya. Parang feeling ko isang pagkakamali ko lang mawawala na agad sa'kin si Zyra. Hindi ko kaya 'yun.
Pero bakit? Bakit nga ba ayaw ko siyang mawala sa'kin? Bakit feeling ko hindi ko kakayanin na makuha siya sa'kin ng kahit na sino? Bakit ba ako natatakot na makuha siya sa'kin ng lalaking 'yun? Ano ka ba talaga para sa'kin Zyra? Bakit ba palagi mo nalang ginugulo utak at isip ko?
Bakit sa tuwing naiisip kita bumibilis ang tibok ng puso ko? Ano na ba talaga ang ibig sabihin nito? Ang gulo na kasi eh. Ang gulo gulo.
May gusto na nga ba talaga ako sayo Zyra? Pero kung meron man hindi pwede. Dahil ayoko na ulit masaktan.
Ayoko na.
*
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...