Revelations
*
[Third Person's Point of View]
"Ano bang gusto mong mangyari?" Tanong ni Sage kay Jello na kasalukuyang pinaglalaruan ang baril sa kamay nito. Hindi maitatanggi ni Sage na nakakaramdam talaga siya ng kakaibang takot sa baril na hawak ni Jello ngayon. Kahit si Nathan dahil isang kalabit lang niya non buhay agad ang maaaring maging kapalit.
"I want to play a game again where both of you will die." Imbis na takot ang nararamdaman nilang dalawa ngayon hindi. Dahil galit na ang mas nangingibabaw sa lahat.
"Pero gusto kong mapagod muna. Para naman may thrill lalo, diba?" Nagulat ang dalawang binata ng biglang may humawak sa magkabila nilang braso. Apat na maskuladong lalaki.
"Ako naman ang magpapagod ngayon." Binulsa niya ang baril na hawak niya kanina at hinubad ang jacket niya at tinapon iyon kung saan.
"Ipapatikim ko sainiyo kung paano ako gumanti para sa pinaka mamahal kong babae." Pumunta muna siya kay Nathan alam niyang walang ginawang masama si Nathan kay Zyra. Pero nagseselos siya tuwing hinahayaan lang ni Zyra ang mga ginagawang pag yakap at pag halik sakanya ni Nathan.
"Putangina! Tama na 'yan! Gago ka! Wag mong saktan ang best friend ko!" Panay sigaw ni Sage at kung ano ano pa ang sinasabi. At may kasabay pa na mura. Habang si Nathan naman, tinatanggap nalang lahat ng suntok at sipa na binibigay sakanya ni Jello.
Nang mapansin ni Jello na hindi na kaya ni Nathan. Tumigil na siya at pinabato sa malayo si Nathan. Rinig na rinig nila ang pag sigaw ni Nathan dahil sa sakit ng nararamdaman niya ngayon.
"Putangina mo Jello! Bakit mo ba 'to samin ginagawa, ha?! Ano bang kasalanan namin sayo?!" Halos maiyak na sa sobrang galit si Sage habang sinasabi ang mga salitang 'yun. Habang si Jello naman tumatawa lang na parang demonyo na nababaliw.
"Si Nathan wala siyang ginawa sa'kin na masama. Pero galit ako sakanya kaya tama lang sakanya 'yun. Pero ikaw, malaki ang kasalanan mo sa'kin. Kaya ngayong gabi, mamamatay kana." Sumugod agad si Jello kay Sage. Pinagsusuntok niya ang katawan nito lalo na ang mukha dahil gusto niyang hindi na ito mamukhaan pa ng kahit na sino. Nang masatisfied siya sa itsura nito ngayon agad siyang napangisi.
"Ano? Kaya mo pa ba?" Mayabang na tanong nito sakanya. Binitawan ng dalawang maskuladong lalaki si Sage at napahiga naman ng tuluyan si Sage sa sahig. Pinaalis ni Jello ang dalawang lalaking iyon at pinabantayan ang mga pinto.
"Ano? Hanggang dyan ka nalang ba? Sa totoo lang mas napagod pa akong bugbugin si Nathan kesa sayo eh."Sabi ni Jello sabay tumawa ng malakas. Pero hindi niya inaakala ang sunod na ginawa ni Sage sakanya. Agad tumayo si Sage at sinikmuraan siya sabay suntok ng malakas sa mukha. Napaupo naman sa sahig si Jello at napahawak sa bibig niya at tyan. Nakita ni Sage na dumura ito ng dugo at umubo ubo din.
"Sino ngayon ang mahina sating dalawa, ha?" Matapang na sabi ni Sage kay Jello. Akala ni Sage hanggang doon nalang 'yun. Dahil malakas ang pagkakasuntok niya sa sikmuta nito lalo na sa mukha. Muling tumayo si Jello at binato kung saan ang baril niya.
"Gusto mo talaga ng patas na laban?" Mayabang na sabi Jello. Dumura ulit siya ng dugo at pinunasan ang labi niya.
"Oo. Kung gusto mo akong patayin, sige. Patayin mo ako kung mapapatay mo ako. Pero sinasabi ko sayo mamamatay ka muna bago ako." Kapwa demonyo na ang tingin nila ngayon sa isa't isa. Dahil sa titigan pa lang nila ngayon, pinapatay na nila ang isa't isa sa utak nila.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Roman pour Adolescents(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...