Chapter 78

2.5K 50 3
                                    

Don't go

*

King Sage Luxcido

"Anak, gusto mo ba munang umuwi para makapag pahinga ka kahit ngayon lang?" Tanong sa'kin ni Mommy. Pero hindi ko siya pinansin dahil gusto ko ang buong atensyon ko na sakanya lang. Dahil baka mamaya gumalaw ang kamay niya tapos hindi ko mapansin. Kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Anak naman. Kailangan mo naman magpahinga kahit papaano. Wag mong parusahan ang sarili mo kakahintay sakanya. Dahil wala naman tayong kasiguraduhan kung magigising pa siya—" Bigla akong tumayo at hinarap ko siya. Sobrang talim ng tingin ko sakanya.

"Naniwala ka agad sa sinabi ng bobong doctor na 'yun, ha? Satingin mo, paano niya masasabi 'yun satin ng ganon lang kadali? Eh hindi naman siya Diyos para malaman ang bagay na 'yun. Ang sabihin niya nalang hindi niya magawa ng maayos ang trabaho niya!" Napataas na ang boses ko sa pagsasalita nakita kong nagulat si Mommy sa inasal ko. Tumingin 'rin ako kay Daddy. Pero si Dad tumango lang siya sa'kin.

"Hayaan mo na muna ang anak mo, Claire. Malaki na siya kaya hayaan na natin siya sa mga gagawin niya sa buhay niya. Alam ko kailangan na kailangan siya ngayon ni Zyra." Hindi ko ineexpect ang sasabihin ni Dad. Pero kahit papaano gumaan ang nararamdaman ko dahil alam ko na may nakakaintindi sa'kin. Lalo nasa nararamdaman ko.

Nung una ayaw pa 'rin ni Mommy umalis pero napilit siya ni Daddy. Kaya ngayon wala na sila dito. Umupo na ulit ako sa tabi ni Zyra at hinawakan ko ng sobrang higpit ang kamay niya. Habang pinagmamasdan ko siya nagsisimula nanamang bumigat ang nararamdaman ko. Dahil kada araw na lumilipas, pumapayat na siya at humihina na ang katawan niya. Ayokong nakikita ko siyang ganito. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong magagawa para sakanya. Nakakatanga talaga.

Hinalikan ko ang kamay niya. Hindi ko alam kung gaano katagal pero gusto ko ganito siya kalapit sa'kin. Naalala ko nanaman ang nakangiti niyang mukha habang nakatingin sa'kin. Yung panahon na yakap yakap ko pa siya. Yung masigla at masayahin pa siya. Hindi yung ganito.

"Zyra, please gumising kana. Gumising kana please. Kasi hindi ko na kaya. Kada araw na dumadaan pinipilit ko nalang maging matatag. Kahit ang totoo naman ay onti onti na akong nanghihina. K—Kung mawawala ka sa'kin sasama nalang ako sayo. Hindi ko kayang mawala ka sa'kin, Baby. Hindi ko kaya. P—Please naman, lumaban ka para sa'kin. P—Please, Baby wag mo akong iwan." Hindi ko na napigilan ang sarili ko maiyak nanaman. Bakit ba kasi kailangan humantong pa kami sa ganito kahirap na sitwasyon? Bakit kasi siya pa ang nasa ganyan na kalagayan? Bakit kasi hindi nalang iba? Bakit?

Lord naman, ayoko pa siyang mawala sa'kin eh. Alam niyo naman na hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yun eh. Hindi ko talaga kakayanin. Alam ko pong masama 'tong hihilingin ko pero wala na akong ibang maisip eh. Sana iba nalang ang kunin niyo. Wag siya. Please wag siya parang awa niyo na. Wag siya.

"Baby please, don't go. Stay with me, please. Stay with me."

*

Dylan Zent Alvarrezz

Habang pinagmamasdan ko si Sage na iyak ng iyak sa tabi ni Zyra sobrang sumisikip lalo ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko napaka walang kwenta kong Kuya eh. Sobrang nahihirapan na ang kapatid ko pero wala man lang akong magawa para maayos 'yun.

Palagi nalang ganito ang tanga tanga ko talaga. Naramdaman ko nalang na umiiyak na din pala ako tulad niya. Kailan kaya matatapos ang lahat ng 'to? Magiging maayos pa kaya ang lahat? Naalala ko nanaman yung sinabi samin ng Doctor. Kada araw humihina ng humihina ang katawan at puso niya. At wala na 'ring kasiguraduhan kung magigising pa talaga siya.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon