Special Chapter

3.1K 68 3
                                    

Confession

*

Stephen Third Laxxers

"Makakalabas kana ngayon, iho." Nakangiting sabi sa'kin ni Doc. Pati ang kasama niyang nurse nakangiti din sa'kin. Tumango lang ako sakanila at ngumiti din.

"Salamat po Doc." Simpleng sagot ko sakanilang dalawa habang nakangiti. Tumango lang sila pareho at lumabas na. Ako naman sinimulan ko nang ayusin ang higaan ko at mga gamit ko. Nagpalit na 'rin ako ng damit ko. Shit lang kasi ang sakit pa 'rin nung sugat ko sa tagiliran. Paupo na sana ako sa kama ng bigla kong makita si Steven sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Ang style kasi ng pinto dito sa ospital ay 'yung may salamin na pahaba sa gitna habang sa magkabilang dulo naman ay may kahoy na pininturahan ng kulay blue. Binuhat ko na ang bag ko at nagsimulang maglakad. Napangiwi ako ng kumirot nanaman bigla ang sugat ko sa may tagiliran. Hays!

Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Napatingin ako sakanya at sa hawak niyang bag. Mukhang kakalabas lang 'rin niya tulad ko.

"Kamusta?" Bigla niyang tanong sa'kin. Tinignan ko lang siya pero hindi 'rin nag tagal tumingin na ako sa ibang direksyon.

"Hindi ko alam kung masasabi ko bang okay lang ako ngayon o hindi." Yun lang ang nasagot ko. Tumingin na 'rin ako sakanya pabalik.

"Ikaw? Kamusta ka naman?" Tanong ko sakanya. Tumingin siya sa'kin na parang nangungusap siya. Anong ibig sabihin niya doon?

"Lalaki sa lalaking usapan Third. Sana sagutin mo ako ng totoo." Seryoso niyang sabi sa'kin.

"Sige pare. Ano ba 'yun?" Huminga siya ng malalim at napapikit. Inayos ko lang saglit ang hawak sa bag ko ko at tinuon na ulit sakanya ang tingin ko.

"Mahal mo ba si Hannah?" Nanlaki bigla ang mga mata ko sa tanong niyang 'yun. Hindi ko expected na itatanong niya sa'kin 'yun. Dumilat na siya at tumingin sa'kin ng diretso. Mukhang gusto niya talagang malaman ang totoo. Pero based sa nakikita ko sakanya mukha namang alam niya na ang sagot ko doon eh.

"Hindi ko siya mahal, Steven." Pumikit ako saglit at nag ipon ng lakas ng loob para masabi ng tuwid ang gusto kong sabihin.

"Mahal na mahal ko siya." Tumingin na ako sakanya ng diretso. Nakita kong parang nalungkot siya sa naging sagot ko. Pero nagulat ako ng bigla niyang pinat ang braso ko.

"Sa totoo lang Third gusto kong makipaglaban sayo ng man to man fight. Dahil tulad mo mahal na mahal ko 'rin siya eh." Nagulat ako sa sinabi niya. Natawa siya sa itsura ko kaya medyo sinuntok niya ako sa braso pero mahina lang.

"Pero alam ko naman na sa sarili ko na hinding hindi niya ako mamahalin pabalik." Natatawa niyang sabi sa'kin. Halata kong nasaktan siya sa sinabi niya. Teka? Alam niya ba sinasabi niya?

"Ano bang pinagsasabi mo dyan Steven? Manhid ka ba para hindi mo maramdaman na mahal ka 'rin niya, ha?" Inis kong sabi sakanya. Oo masakit para sa'kin na sabihin ang mga 'yun. Pero 'yun naman kasi talaga ang totoo eh. Kaya wala na akong magagawa kundi tanggapin nalang. Kahit sa loob looban ko, gustong gusto ko na siyang sapakin ngayon dahil sa'kin lang si Hannah eh. Sa'kin lang dapat. Pero wala 'rin namang magagawang maganda 'yun dahil siya naman na ang pinili non matagal na.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon