Chapter 76

2.9K 53 7
                                    

Truths

*

Dylan Zent Alvarrezz

Tandang tanda ko pa ang gabing 'yun. Ang pinaka hinding hindi ko makakalimutan na pangyayari sa buhay ko.

Ang gabing naaksidente kami at nawala samin si Mommy.

*

Flashback

--

"Yeeey! Ang saya saya ko talaga ngayong araw! Belat ka Kuya Pangit! Panalo kami ni Mommy Ganda! Talo kayo ni Daddy Pangit! Hahahahahaha!" Kanina pa sa'kin sinisigaw 'yan ni Zyra. Sa totoo lang nagsisimula na nga akong mairita. Tsk. Pauwi na kami ngayon nila Daddy. Kakatapos lang kasi naming maglaro ng Basketball.

At sila Mommy at Zyra ang nanalo laban samin. Akalain niyo 'yun natalo kami ni Daddy at dalawang babae pa. Tsk, hindi makatarungan. No wonder kaya sobra kung magkulit si Zyra ngayon. Akala mo kung sinong nanalo na sa lotto eh.

Paano kasi kapag naglalaro kami ng basketball palagi kaming panalo ni Daddy, aba! Malay ba namin kung bakit palagi kami ang nananalo. Hahahahahahaha!

"Pangit si Kuya! Pangit!" Sigaw nanaman niya sa'kin, hays! Napaka kulit talaga. Ako daw pangit? Seryoso ba siya dyan? Oh well ganyan naman palagi tawag sa'kin niyan eh, manalo matalo pangit pa 'rin. Minsan nga kinantahan pa ako niyan eh.

Ang kanta niya, "Manalo, matalo pangit ka pa 'rin!" Ayos, diba? Tumahimik nalang ako habang naglalakad na kami papunta sa Van. Syempre, pauwi na kami. Iinom sana ako ng tubig ng bigla naman hinila ni Zyra ang kamay kong 'yun at niyakap niya pa. Kakulitan talaga niya.

"Doon ka nga, Zyra! Ang gulo gulo mo! Tsk!" Irita kong sabi sakanya. Pero hindi niya ako pinakinggan nakayakap pa 'rin siya sa braso ko at 'yung nakakaasar niyang ngiti hindi matanggal tanggal sa labi niya.

"Uy, Kuya naman! Joke lang 'yung pangit kayo ni Daddy, 'no! Pero dahil nanalo naman kami ngayon ni Mommy, edi Kuya Pogi tawag ko sayo! Happy kana, ha?" Bibo niyang sabi sa'kin sabay tinutusok tusok niya pa 'yung tagiliran ko. Imbis na mas lalo akong mainis sakanya bigla nalang akong natawa. Napaka isip bata pa 'rin talaga niya.

Sabagay, 4 years old pa lang siya ngayon eh. Kaya hayaan na kinuha ko ang kamay niya at umupo sa harap niya habang nakatalikod sakanya.

"Uy, Kuya Pogi, ano bang ginagawa mo dyan?" Takang tanong niya sa'kin. Tumingin ako sakanya at tinuro ang likod ko. Mukha naman siyang nagtataka.

"Anong gagawin ko sa likod mo? Kakamutin ko ba?" Hindi ko naman napigilan hindi matawa. Mukha kasi talaga siyang walang kaalam alam eh. Kaya hinila ko bigla ang kamay niya at nilagay ko 'yun sa leeg ko at binuhat ko nalang siya bigla.

"Uy, Kuya naman eh! Wag mo nga akong tatakutin sumbong kita kala Mommy at Daddy, sige ka! Papagalitan ka nila!" Mas lalo lang akong natawa sakanya inayos ko ang pagkakapasan ko sakanya. Nilagay niya din ang isa niya pang kamay sa leeg ko at yumakap sa'kin na para bang takot na mahulog siya.

"Kumapit kang mabuti, okay? Pag ikaw nahulog may kukuha sayong ibang tao dyan. Bahala ka, hindi kita babawiin sakanya." Panakot ko sakanya naramdaman ko naman na mas lalo niya akong niyakap at hiniga niya ang ulo niya sa batok ko.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon