Chapter 12

5.4K 140 4
                                    

Being his Personal Alalay (Part II)

*

Zyra Lianne Alvarrezz

Dissmisal Time

Hay! Uwian na sa wakas. Thank you Lord! Nagtataka ba kayo kung bakit ang bilis? Eh. kasi mabilis ang oras eh. Tsk. Joke lang. Kasi ayoko na magkwento. Joke lang ulit. Okay ang corny ko na tama na.

So, back to my story again. Diba nga kanina alam niyo naman ang nangyari. Sabi sa'kin ni Sage na magtago na ako. Kaya ginawa ko ang sinabi niya. Tinaguan ko siya simula lunch hanggang ngayong uwian. Nagtataka ba kayo kung bakit? Wala lang. Trip ko eh. Kung kaya niya ako pagtripan well, kaya ko din siya pagtripan.

Gusto ko sundin sinabi niya eh, pero don't get me wrong, ha? Hindi ako takot sakanya. Ayoko lang ng away ngayon. Gusto ko umuwi ng peacefully. Epal naman kasi yung Engot na 'yun eh. Baka mag-iskandalo lang 'yun dito lalo na kapag nakita pa ako non ewan ko nalang. So, ito ako ngayon naglalakad papunta sa parking lot. Syempre nandon ang sundo ko. At nakakapagtaka lang kanina pa nakatingin sa'kin 'yung mga students dito mapalalaki at mapababae pa. Tsk. As if I care, duh!

Bahala sila sa buhay nila. Nakakainis naman miss ko na si Bes Hannah. Simula umaga hanggang uwian hindi ko man lang siya nakasama. Lagi nalang busy.

Tri-tone

Hmmm, may nagtext teka lang. Speaking of.

*

From: Hannah

Bessywap, sorry. Sorry kung hindi kita nasamahan ngayong araw, sorry talaga. Busy kasi kaming mga officer ngayon eh. Baka nga hanggang 2 weeks pa 'to eh. Nakakainis. Kung kailan naman kasi nandito kana sa pinas tsaka pa ako naging busy ng ganito. Pero sorry talaga Bes ah? Babawi talaga ako next time! Swear! Osige na. Babye na. Iloveyou! Ingat ka sa pag-uwi.

*

Dahil sa text ni Hannah, ayan napangiti tuloy ako bigla. Hindi na nga ako magtatampo. Naiintindihan ko naman siya eh. Officer kasi siya dito at alam ko maraming ginagawa ang isang secretary. Replayan ko nalang.

*

To: Hannah

Okay lang yun Bes. Naiintindihan naman kita. Kasi naman nag-officer ka pa eh. Hahahahahaha. Joke lang! Sige na. Take your time lang. Babye. Iloveyoutoo! Ingat ka 'rin.

*

Okay na. Namiss din pala ako ni Bes Hannah. Nakakatouch naman.

"Nginingiti-ngiti mo dyan?"

"Hmm?" Kamalasan nga naman oh. Siya pa nakakita sa'kin na nakangiti ako. Nakakainis. Hindi ko nalang siya pinansin. Inirapan ko nalang siya sabay naglakad na ulit ako.

"Aba! Ikaw pa may ganang hindi mamansin ngayon? Hoy. Alipin kita. Hoy! Hoy! Hoy!" Bahala ka sa buhay mo. Kausapin mo sarili mo para magmukha ka talagang Engot.

"Hoy! Kinakausap kita. Wag kang bastos. Hoy!" Okay lang 'yan Zyra. Control your temper. Wag mo nalang siya pansinin. Epal lang yan. 'Yun nga. Nagtuloy-tuloy pa 'rin ako sa paglalakad ko at nagpanggap na wala akong naririnig. Pero sa totoo lang gusto ko na lagyan ng packing tape 'yang bibig niya. Napaka ingay eh kalalaking tao.

"Hoy. Ano ba! Hoy babae!" Hindi ko pa 'rin siya pinansin. Ang tae naman kasi eh. Ang layo layo ng parking lot dito sa totoo lang. Hiyang hiya na ako eh. Kasi nakatingin na samin lahat ng madadaanan namin na mga studyante. Naririnig kong mga sabi ng iba na ang cute daw namin tignan.

Shit lang.

Ito? Cute? Cute ba kaming tignan ng ganito? Mukhang nag-ra-riot lang sa daan? Hays! Ano kami aso para sabihan ng cute? Oopss! Mayroon nga pa lang mukhang aso dito si Engot. Hihihi!

"Zyra naman! Mamansin ka naman dyan! Para na'kong tanga dito oh!" Sigaw niya sa'kin dahil sa parang sasabog na ang eardrums ko sa pag sigaw niya na 'yan hinarap ko na siya.

"Sa wakas! Humarap ka 'rin sa'kin. Mamansin ka naman dyan. Baka nakakalimutan mo, amo mo ako kaya sumunod ka sa'kin—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Ano bang kailangan mo?" Mahinahon pa ako niyan. Pero sa isip ko ilang beses ko na siyang pinatay ng paulit-ulit at binugbog at pinugutan ng ulo. Sa totoo lang talaga kasi nakakabwisit na siya. Pero joke lang 'yung pinugutan ng ulo. Masyado ng harsh 'yun. Kahit naman pikon na pikon ako sa ugali niyan hindi ko magagawa 'yun.

"Kailangan ko? O baka ikaw may kailangan sa'kin?" Sabi niya sabay ngimisi sa'kin na parang aso nanaman.

"Hahahahahahahaha. Teka joke ba 'yun? Tatawa na ba ako ha? Tawa ba ako ulit! Tsaka ikaw kailangan ko? Really? Kailan pa?"

"Dati mo pa ako kailangan kasi..."

"Kasi ano?" Pabitin pa 'tong Engot na 'to eh. Sarap pektusan sa ulo, mga walong beses. Pero teka nga, parang may mali ata dito.

Napansin kong pinalibutan na pala kami ng mga students dito. Shit. Ayoko ng center of attraction. Tae naman oh! Bigla nalang hinawakan ni Engot yung dalawang kamay ko.

"Kasi ako ang prince charming mo at ikaw ang aking prinsesa na matagal ko ng hinihintay." Sabi niya sa'kin. Sabay ngumiti siya. As in totoong ngiti.

What the hell? Ano nanaman ba 'to?

*

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon