His Confession
*
Zyra Lianne Alvarrezz
Bakit ba parang may nahawak sa buhok ko? Kanina pa 'to eh. Hays. Naiirita na ako. Umikot nalang ako sa kabilang side ng kama ko. Sarap sarap ng tulog ko tas guguluhin niya lang, ang epal niya kung sino man siya. Napaka niya.
Maya maya naramdaman ko nalang na may yumakap sa likod ko. The hell! Sino ba 'to?
Multo?!
Rapist?!
Oh hell no!
Wala pang isang minuto ang nakalipas siniko ko na siya at sinuntok sa mukha. Sisipain ko na sana siya pero nabato ako sa kinalalagyan ko nung nakita ko kung sino siya.
"Sage?!" Halos mapasigaw ako dahil 'di ko talaga inaakala na nandito siya ngayon sa harapan ko. Nakita kong nakatingin lang siya sa'kin ng masama at nakahawak siya sa may pisngi niya.
"Ganyan mo ba talaga ako iwelcome dito sa bahay niyo? Ang sikuhin at sapakin ako?" Pabalang niyang tanong sa'kin. Halatang nainis siya sa ginawa ko. Hays. Na-guilty naman ako bigla. Pero imbis na ipakita ko 'yun inirapan ko nalang siya.
"Bakit mo ba kasi ako niyakap? Akala ko tuloy rapist ka." Hindi ko naman kasalanan 'yun eh. Syempre, mas maganda na 'yung handa ka palagi. Self defense nga diba? Babae ako dapat marunong ako lumaban. Tumingin lang siya sakin saglit at bigla nalang akong hinila pahiga ulit. Nasubsob naman ako bigla sa dibdib niya. Ang itsura tuloy namin parang magkayakap habang nakahiga.
"Sage ano ba! Ayoko nang humiga kaya pwede ba bitawan mo na ako?" Sabi ko sakanya habang nakahiga pa 'rin kami. Tinulak-tulak ko siya palayo sa'kin kaso mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa'kin. Yeah. Yakap na talaga.
"Sage kasi bitaw na! Ano ba!" Sumigaw na ako pero parang wala lang sakanya. Nilagay niya ang magkabila kong kamay sa ilalim ng likod niya. What the!
"Let's just stay like this for a while. I just need someone to hug me right now. Please?" Nagulat ako sa way niya sabihin 'yun. Para siyang batang nanghihingi ng aruga sa nanay niya. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. Ramdam kong parang pagod siya. Bakit naman kaya?
"Saan ka ba galing? Bakit parang sobrang pagod 'yang itsura mo?" Tanong ko sakanya habang nasa ganong posisyon pa 'rin kaming dalawa.
"Wala naman. Nagshooting lang kami kanina sa basketball." Kaya naman pala. Nung medyo lumuwag na ang yakap niya sa'kin that's my chance para kumawala sa yakap niya. Kaya 'yun na nga ang ginawa ko.
"Tama na ang kakayakap sa'kin, ha? At isa pa, hindi ako teddy bear para yakap yakapin mo." Tumayo na ako at tumingin sa orasan. What?! 10:20 PM na? Eh, bakit nandito pa 'rin 'tong isang 'to? Sa mismong kwarto ko pa.
"Sage, ano ba talagang ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito sa loob ng mismong kwarto ko at bakit nag gagala ka pa ng ganitong oras?" Sunod sunod kong tanong sakanya. Nasstress kasi ako sakanya eh. Hindi ko lang talaga mapigilan ang magtanong ng magtanong sakanya. Curiosity kills you know.
Tumingin lang siya sa'kin at nilagay ang dalawa niyang kamay sa may batok niya. Wow. Feel at home tayo ah?
"Isa lang sagot ko sa mga tanong mo. Wala ka ng pakialam doon Zyra." Tinignan ko siya ng masama. Napaka presko talaga ng ugali.
![](https://img.wattpad.com/cover/9103079-288-k992282.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Novela Juvenil(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...