His Fear
*
King Sage Luxcido
"Baby, wake up! Please gumising ka! Wag mong ipikit 'yang mga mata mo!" Sigaw ko sakanya habang tinatakbo ko na siya sa loob ng ospital. Nakita agad kami ng ibang nurse kaya agad silang naglabas ng isang hospital bed at agad ko doon hiniga si Zyra. Pero hindi ko binitawan ang kamay niya.
"Baby naman eh! Wag ganito. Gagawin pa natin 'yung pinangako ko sayo, please naman. Wag kang ganyan. M—Makinig ka sa'kin, gumising ka! P—Please!" Halos mabaliw na ako kakasigaw dito. Pinapakalma na ako nila Loreigne at ng mga nurse na kasabay ko ngayon. Pero hindi ko sila pinapansin. Wala akong pakialam sakanila kay Zyra lang ang buo kong atensyon. Nandito na kami ngayon sa OR. Pumasok din ako sa loob pero hinarangan ako nung babaeng nurse at pinapalabas niya ako.
"Sir, sorry po. Pero bawal po kayong pumasok dito." Sabi sa'kin nung babaeng nurse. Dahilan para mabitawan ko ang kamay ni Zyra.
"Kailangan niya ako sa loob! Wag niyo siya sa'kin ilayo! P—Parang awa mo na, wag!" Umiiyak na ako sa harapan niya sana naman wag niyang ilayo sa'kin si Zyra. Hindi ko kasi kakayanin eh, hindi na. Onti nalang mababaliw na ako dito.
Pero nung mapatingin siya sa katawan ko at braso ko, nagulat siya. Tumawag agad siya ng ibang nurse at sapilitan akong hiniga sa isang hospital bed. Katapat ko na si Zyra pero nakapikit lang siya sinusubukan ko siyang abutin pero masyado siyang malayo sa'kin.
Naramdaman ko nalang na may tinusok sila sa may braso ko dahilan para magwala ako lalo. Pero hinawakan nila ako at maya maya lang lumalabo na ang paningin ko. No, hindi pwede 'to. Hindi.
"Zyra, mahal na mahal kita. W—Wag mo akong iiwan." Bulong ko sa sarili ko bago nawalan na ako ng malay.
*
Zyra Lianne Alvarrezz
Naalimpungatan ako kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Ginalaw ko din ang braso ko at katawan ko. Bakit ganito? Ang sakit masyado. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.
Nakailang pikit ako dahil malabo pa 'rin ang nakikita ko pero ng maging okay na ang paningin ko nakita ko agad sila Mommy at Daddy na naiyak at yumakap sila agad sa'kin pati na 'rin ang kapatid ko.
"I missed you, Kuya Sage!" Naiiyak na sabi sa'kin ni Soffie. Hindi ko naman mapigilan na hindi mapangiti. Ganon din sila Mommy.
"Thank God! At binalik ka niya samin! Salamat sa Diyos!" Masayang sabi ni Mommy. Pero anong ibig sabihin niya doon? Anong binalik ako sakanila? Lumayo na silang tatlo sa'kin, nakita ko din sila Steven, Third at Hannah. Pero bakit wala si Nathan? Nasaan siya? At si Zyra?
Biglang bumalik lahat sa ala ala ko ang mga nangyari nung gabing 'yun. Bumalik ang bigat, sakit at takot dito sa dibdib ko. Si Zyra, kailangan ko siyang makita. Kaya agad akong umupo at tumayo pero pinigilan ako nila Mommy at Daddy.
"Saan ka pupunta? Hindi mo pa kayang maglakad nang maayos, Anak." Nag aalalang sabi sa'kin ni Daddy, kaya tumingin ako sakanya.
"Kay Nami, kailangan ko siyang makita." Sabi ko sakanya. Natigilan naman siya pero hindi niya pa 'rin niya ako binibitawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/9103079-288-k992282.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...