Chapter 26

4K 108 2
                                    

Ball Party

*

Zyra Lianne Alvarrezz

"Ya! Zyra! Wake up! Zyra Lianne Alvarrezz! Wake the hell up!" Pagkasigaw niyan napaupo agad ako sa higaan ko. The hell! Eardrums ko basag na o basag na talaga? Pagkamulat ko nang mga mata ko hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" Sunod sunod na tanong ko sakanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at inirapan. Mana mana talaga e 'no?

"Hindi mo na kailangan malaman kung paano, at una sa lahat for pete's sake naman Zyra. Kilalang kilala na kaya ako ng mga tao dito. Hello!" Sabi niya sa'kin. Natawa tuloy ako bigla. May hello pa talagang effect eh 'no?

"Tinatawa-tawa mo dyan? Ya! Tumayo kana nga dyan! We have only 1 hour and 30 minutes to prepare."

"Prepare for what?" Tanong ko sakanya. Tinignan niya ako saglit at inirapan nanaman ako. Hobby na niya ata tarayan ako eh. Hays.

"Seriously Bes, ganyan kana ba talaga makakalimutin? God! We need to prepare for our ball party later." Ah. May Ball Party nga pala kami mamayang gabi. Pero what? Mamayang gabi na agad 'yun?

"Bes, sure ka mamaya na 'yun? Diba linggo pa lang naman ngayon?"

"Sorry Bes. Nakalimutan ko sabihin sayo kahapon na-move na. Hindi na bukas ngayon nalang. Kasi syempre para bukas pahinga nalang tayo. Three days pahinga natin kasi syempre mag-aayos pa doon dahil sa mga kalat eh. Ayos naman 'yun diba?" Well, sabagay. Pwede na. Humiga ulit ako at siya naman ayun inaayos niya na ang mga gamit niya para sa make up at kung anu ano pa. Pero hinila niya agad ako paupo.

"Pwede ba, wag ka ng humiga dyan. Kanina ka pa tulog dyan eh, alam mo ba 'yun? Tsaka tama na 'yang beauty rest mo maligo kana bilis. Kapag hindi ka pa pumunta sa cr ako mismo magpapaligo sayo."

"Bakit ka ba kasi nagmamadali? Maaga pa naman ah." Pumwemang siya sa harap lo at binuksan ang kurtina ko. What?! Gabi na?!

"So, tawag mo dyan maaga pa? Isa pa Zyra. Tumayo kana dyan at pumunta kana sa cr, ngayon na!" Pagkasabi niya niyan napatayo agad ako at napatakbo papunta sa cr. Nakakatakot talaga magalit si Bes Hannah. Pero pinagtataka ko bakit gabi agad? Kakatulog ko lang ah? Weird. Makaligo na nga lang.

*

Tapos na kaming dalawa ni Bes Hannah mag-ayos ng aming sarili. Tapos na lahat sa kaartehan. Hays. Tumingin ako sa salamin. Nung unang tingin ko namangha talaga ako sa itsura ko eh. Hindi ko inakala na ako pala 'yun.

Si Hannah naman as usual yellow ang favorite color niya kaya 'yun ang kulay na gown na suot niya. Ang ganda niya nga lalo eh, tas pumuti pa lalo kasi pampaputi yung kulay yellow diba? Pero ako kasi ayoko ng yellow. Ewan ko ba kung bakit. Masyadong matingkad ang kulay na 'yun para sa'kin eh.

"Napatitig kana dyan Bes. Ano ba iniisip mo?" Tanong niya sa'kin. Bumalik naman ako sa senses ko. Hays. Napatitig pala ako sa salamin.

"Ah. Wala no. Hindi lang kasi ako makapaniwala na ako na pala yung nakikitang kong tao sa salamin kaya ito napatitig ako." Napatawa naman siya sabay niyakap niya ako mula sa likod ko.

"Bes, alam mo ang kulang lang talaga sayo pag aayos mo. Maganda ka naman talaga eh. Pero kung titignan mo sarili mo kahit hindi kana mag ayos nakaka-attract ka pa 'rin nakakainis. Sige na. Punta na tayo doon sa ball party. Are you ready?"Humiwalay na siya sa pagkakayakap niya sa'kin. Ngumiti lang ako sakanya at tumango.

"Yeah. I'm ready. Let's go."

*

Top Nathan Rodriguez

"Hoy Sage! Kanina ka pa nakatulala dyan sa salamin ah? Bakit mo ba hawak mo 'yang pisngi mo? Ngayon mo lang ba narealize na mas gwapo ako sayo?" Pang-aasar ko kay Sage. Tinignan niya ako ng masama.

"Ulol mo! Taas ata masyado ng confidence mo ngayon ah? Para sabihin ko sayo mas gwapo ako sayo, matagal na."

"Oo nalang." Sabi ko sakanya habang inaayos ko 'yung necktie ko at tumatawa. Napatingin ulit ako sakanya. Bakit ba kanina pa 'to nakahawak sa pisngi niya? Parang timang eh. Tinapik ko siya sa braso.

"Okay ka lang ba? Bakit nga ba kasi kanina mo pa hinahawakan yang pisngi mo? Nasampal ka ba o nakadrugs ka lang talaga ngayon?" Tinignan nanaman niya ako ng masama. Alam ko badtrip na 'to. Halata eh.

"Para kang bading Nathan. Ang daldal mo eh! Hays naman!" Sabi niya sa'kin at ayun nagwalk out na pumunta sa banyo. Napaka sungit talaga ng isang 'yun. Akala mo meron eh. Dinaig pa babae sa pag-susungit non, kung alam niyo lang.

Oo nga pala. Nandito kami ngayon sa VIP room namin. This is exclusively for us alone. Dito na kami nag-ayos dalawa ni Sage. Sila Third at Steven. Ewan ko sa mga 'yun. Sabi nila maya maya nandito na sila eh. Siguro bihis na 'yun pagdating dito.

Sa totoo lang 'di ko trip mga ganitong activities dito sa school. Actually, ngayon lang ako aattend sa Ball Party ng school namin. Which is ngayon nga gaganapin. Nung past years kasi hindi talaga ako naattend. Bakit? Wala naman sinabing required lahat pumunta eh, diba? Tsaka nakakatamad din. Kasi sasayaw ka lang ng sasayaw.

Pero dahil nagka-interest ako sa isang babae or should I say 'yung gusto kong babae pupunta siya ngayon. Sige na aamin na ako. Siya 'yung dahilan kung bakit ako umattend sa event na 'to. Para makasayaw siya at makasama ko na rin siya nang matagal kahit ngayong gabi lang.

Oo nga pala, nasaan na kaya siya? Ba't hanggang ngayon wala pa 'rin siya? Pupunta nga kaya talaga siya? Ano kaya itsura niya?

Ano ba 'yan!

Puro ako tanong sa sarili ko 'di ko naman masagot. Tsk. Sorry naman ah. Naeexcite lang ako makita siya eh. Naisipan kong sumilip sa labas. Nakita ko 'yung mga students na kakarating lang. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko ibaba yung kurtina. Hinihintay ko kasi siya pero naisip ko na mamaya ko nalang siya hanapin.

Nung ibababa ko na sana 'yung kurtina may isang babaeng nakaagaw ng pansin ko. At alam ko siya na 'yun. Sobrang ganda niya talaga. Kahit nakamaskara siya alam kong siya 'yun.

Ang nag-iisang babaeng gustong gusto ko. Siya lang ang babaeng nagustuhan ko sa buong buhay ko. Mahal ko na nga ata siya eh. Hay. Minamahal ko na siya nang hindi ko sinasadya. First time ko na nga magmahal, palpak pa.

Bahala na nga. I'll just enjoy this night, kahit alam kong mamaya lang masasaktan nanaman ako. Goodluck self. Stay strong sayo heart.

*

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon