Chapter 56

2.7K 58 3
                                    

Nathan's Love

*

Zyra Lianne Alvarrezz

Nandito kami ngayon sa isang park. Nakatambay lang at nag papahangin. Nakaupo lang kami dito sa ilalim ng punong Narra. Tirik ang araw ngayon pero hindi naman mainit dito sa pwesto namin. Actually mahangin nga eh.

Kakaiba 'rin pala ang built ng punong Narra maganda at matibay. Tumingin ako sa mga halaman nito, maganda ang tubo ng mga ito. Siguro alagang alaga ang punong 'to. Well, halata naman sa itsura eh.

Natigilan ako sa iniisip ko ng maramdaman kong hinawakan ni Nathan ang kamay ko. Tumingin ako sa kamay namin at sakanya.

"Iiwasan mo na ba ako?" Out of nowhere niyang tanong sa'kin. Agad naman akong natawa.

"Bakit naman kita iiwasan ha? Para saan at anong rason?" Natatawa kong tanong sakanya. Pero hindi siya nadala ng tawa kong 'yun. Seryoso pa 'rin siya simula kanina pa.

"Dahil umamin na ako sayo." Seryoso niyang sabi sa'kin. Habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Agad ko naman iniwas ang tingin ko pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang magkabila kong pisngi at iharap ulit ako sakanya.

"You know what Zyra I want to kiss you right now." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. He want to kiss me?! What the what?! Gusto ko siyang itulak palayo sa'kin dahil ang awkward ng itsura namin ngayon. Seryoso! Sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Habang ako hindi ko alam kung anong itsura ko.

Pero hindi ko magawa dahil para na akong na-hypnotized sa titig niya. Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano niya ako kamahal.

"Pero nirerespeto kita kasi ganon kita kamahal. Handa akong maghintay para sayo, Zyra. Kahit gaano pa 'yan katagal. Basta ikaw ang hihintayin ko handa akong gawin 'yun." Hindi ko maintindihan kung bakit pero napangiti ako sa sinabi niyang 'yun. Hinalikan niya ako sa noo at sinandal niya ako sa may dibdib niya. Habang ang dalawa niya namang kamay ang nagsilbing suporta sa'kin. Niyakap niya ako ng ganon ang posisyon namin.

I don't know why but suddenly I just felt safe around his arms. Gusto kong maging masaya pero parang hindi ko pa 'rin kaya. Parang may nakaharang pa dito sa puso ko na nagsasabing hindi pa 'rin pwede. Ano 'yung nakaharang o sino?

Bigla nanaman siya ang naisip ko. Well, sino pa ba? Edi si Sage. Kasi kahit wala na kami mahal ko pa 'rin siya. Aminado naman ako doon eh. Hindi naman kasi ganon kadali makalimot, diba?

Pero sobra na 'rin kasi akong nasaktan eh. Halos 1 month akong nag stay sa ospital pero kahit sandali man lang hindi niya ako binisita. Kahit tignan man lang saglit hindi pa niya nagawa.

Naramdaman ko nanaman na nagtutubig ang mga mata ko kaya agad akong pumikit at yumakap kay Nathan. Bakit ba ganito ako? Si Nathan ang kasama ko ngayon pero si Sage pa 'rin ang iniisip ko. Nakakainis!

"Alam kong iniisip mo pa 'rin siya hanggang ngayon." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako nakagot dahil totoo naman ang sinabi niya eh. Naramdaman kong mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa'kin kaya hindi ko na napigilang hindi maiyak.

"Zyra, can you do me a favor?" Hindi nalang ako sumagot. Siguro naman understood niya na okay ako sa hinihingi niyang favor.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon