Beginning of her Nightmare*
King Sage Luxcido
Grabe talaga 'yun si Zyra. Wagas sa pagrereklamo eh. Pasalamat nga siya 'yun lang ang mga pinapagawa ko sakanya eh. Madali lang naman 'yun diba? Sus! Kung sa ibang babae ko 'yun pinagawa nako! Oo agad ang isasagot ng mga 'yun. Pero mas gusto ko maging personal alalay si Zyra eh. Pero teka nga ano nga bang pwedeng iutos sa isang 'yun? Yung hindi dapat siya makakatangi Hmm.
*Evil-Mind *
Oo nga pala pauwi na ako ngayon. Nandito na ako sa kotse ko. Pero may driver ako syempre. Bawal pa daw kasi ako magmaneho sabi ni Dad. Kahit may student's license naman ako pero hayaan na. At least iwas hassle.
"Sir Sage, mukhang masaya ho kayo ngayon ah?" Pagpupuna sa'kin ng Driver ko. Ngumiti ako sakanya.
"Hmm, medyo. Pero hindi 'rin. Good mood lang siguro ako ngayon." Baka kasi kung anong iniisip nito eh.
"Sorry Sir sa pagpupuna ah? Pero ngayon ko lang po kasi kayo nakitang ngumiti ulit ng ganyan." Bigla naman akong natahimik. Talaga bang ngayon lang ulit ako ngumiti ng ganito? Mas lalo naman akong nagulat sa sumunod niyang sinabi.
"Nakahanap na ba kayo Sir ng bago?" Napatingin ako sa bintana at natahimik.
"Ay. Sir. Pasensya na ho. Ang daldal ko kasi. Sorry po talaga." Paghihingi niyang tawad sa'kin.
"No. It's okay. Naghahanap na ako ng bago. Kinalimutan ko na siya matagal na." Yan nalang ang nasabi ko at wala nang nagsalita pa saming dalawa. Tumingin nalang ako sa labas ng window ng kotse ko.
*
Time check 9:00 PM. Ang bilis naman ata ng oras ngayon. Oh well, inaantok na 'rin naman ako. Makatulog na nga. At sana naman wag umangal si Zyra sa ipapagawa ko sakanya bukas.
(Tok-Tok-Tok)
"Come in."
"Kuya, are you sleepy na ba?" Napangiti naman ako bigla sakanya. Si Soffie lang pala 'to. My one and only super cute little sister at super din sa kulit. Pero mahal ko 'yan, mahal na mahal.
"Hmm. Not yet baby. Come here. Come to Kuya Sage." Oo. Sweet na Sweet ako kay Baby Soffie ko. Sakanya at kay Mommy lang naman ako ganito eh. Sila lang ang dalawang babaeng nandyan noong iniwan ako ng dati kong pinaka una at mamahal na babae. Isa siyang mang-iiwan na babae pinagpalit niya lang naman ako sa iba. Nakakainis. Nakakatangina lang isipin na halos lahat ng babae nakakandarapa na sa'kin tapos siya pinag-palit lang ako sa iba?! Fuck diba?
"Kuya, are you listening to me ba? Kanina pa ako salita ng salita dito eh. Hindi ka naman pala nakikinig. Nakakatampo naman." Sabi ng Baby Soffie ko. Sabay nag-pout. Matampuhin talaga 'tong baby kong 'to. Kaya naman hinug ko siya sa likod niya. 5 years old lang naman siya eh.
"Wag kana magtampo dyan Baby Soffie ko. Sige ka magtatampo na 'rin sayo si Kuya."
"Kasi naman kuya bakit ka ba biglang tumahimik dyan at biglang lumalim ata yang iniisip mo? Is there any problem?" Grabe talaga 'to manita. Saan ka nakakita 5 years old ganyan mag-tanong? Diba? Oh well, masyado ko ba naman kasing inaalala ang past ko. Psh. Past is past na nga eh. Tama na nga 'tong kadramahan na 'to. Nginitian ko nalang siya at ginulo ko ang buhok niya. Bigla naman ulit siyang nag-pout. Ang cute.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Ficção Adolescente(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...