Chapter 57

2.7K 64 4
                                    

Last Try

*

Zyra Lianne Alvarrezz

"Mag iingat ka ha?" Dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sakanya nang may ngiti sa mga labi ko.

"Opo Nathan. Mag iingat po talaga ako. Kaya wag kana po masyadong mag alala sa'kin, ha?" I said in a playfully manner na kinatawa naman namin pareho. Pero agad din nag iba ang atmosphere dahil naramdaman ko nanaman ang kaba dito sa dibdib ko.

Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari ngayon. Lalo na sa mga malalaman ko. Pero iniisip ko nalang ang mga positive side na pwede 'rin mangyari. Pero ugh ang hirap pa 'rin eh. Kasi mas nagingibabaw pa 'rin talaga sa'kin ang negative side dito sa utak ko.

At isa pa, kinakabahan ako dahil ngayon nalang ulit kami magkakaharap dalawa pagkatapos ng mga nangyari. Bumaba na ako sa sasakyan ni Nathan at sinara ko na ang pinto non. Nag paalam na ako sakanya at umalis na siya. Nakaramdam nanaman ako ng pagkalungkot dahil mag isa nanaman ako.

Huminga ako ng malalim at pumunta na mismo sa entrance ng mall. Doon lang ako nakatayo at naghihintay. Pinagtitinginan nga ako ng mga taong nakatambay din dito sa labas. Knowing na lalaki pa silang lahat na nandoon. Tatalikod na sana ako ng bigla nalang lumitaw si Sage sa harap ko. Seryoso siyang nakatingin sa'kin. Pakiramdam ko nga binabasa niya ang mga nasa isip ko eh.

Pero ang mas kinagulat ko doon ay ang biglaan niyang hinawakan ang kamay ko at humarap kami sa mga lalaking kanina pa sa'kin nakatingin.

"See this fuckers? She's mine. So, back off and stop staring at her." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang 'yun. Ang puso ko sobrang bilis nanaman ng tibok. Parang katulad pa din ng dati. Natigilan ako sa pag iisip nang bigla nalang niya akong hinila paalis doon. Habang naglalakad kami hindi naiwasang mapatingin sa kamay naming maghakawak.

Palihim nalang akong napangiti dahil ngayon ko nalang ulit nahawakan ang kamay niya. Ngayon nalang ulit. Tumigil kami sa parking lot katapat ang Porsche na sasakyan. Sakanya 'to? Bago na pala sasakyan niya ngayon.

Nagulat ako nang bigla niya nalang akong tinulak pasakay doon sa loob at nilagay ang seat belt ko sa'kin at pabalibag niyang sinara ang pinto ko. Napapikit naman ako dahil sa lakas non. Nakaramdam nanaman ako ng takot. Dahil kakaiba ang kinikilos niya ngayon. Parang galit siya sa'kin na hindi ko maintindihan. Nang makapasok na din siya sa loob pinaandar niya agad ito ng sobrang bilis. Napakapit nalang ako sa seat belt ko at napapikit.

Alam ko naman na pinalabas niya lang 'yung kaninang mga sinabi niya tungkol samin eh. Hindi ako tanga para mag assume. Pero siguro, nagalit siya kasi ramdam niyang umasa nanaman ako. Baka nga ganon. Pero hindi niya naman kasi ako masisisi eh. Mahal ko pa 'rin kasi siya eh. Ganon naman talaga palagi, diba? Kapag mahal mo ang isang tao, isang maliit na mga bagay lang na gawin niya para sayo eh, mapapangiti ka na agad agad.

Dumilat na ako at tumingin sakanya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at seryosong nakatingin sa daan. Natawa nalang ako ng mapakla. Halata namang ayaw niya akong makasama at makita eh. Ayoko ko man isipin at tanggapin ang bagay na 'yun pero 'yun naman kasi talaga ang katotohanan eh.

Masakit? Oo, sobra!

But what can I do? Ganon talaga eh. Hindi ako iiyak. Hindi ngayon at hindi dito sa tabi niya. Pinagtataka ko lang kung ayaw niya akong makasama at makita bakit niya pa ako tinawagan at tinext? Para saan pa 'yun? Tsk.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon