Chapter 23

5.1K 122 4
                                    


My Over Protective Fake Boyfriend

*

Zyra Lianne Alvarrezz

Nakalipas ang two weeks. Ang daming mga nangyaring hindi ko ineexpect na mangyayari sa buhay ko. Katulad nalang nung nakita ko sa office ni Sage ang tatlong mga lalaking 'yun na bumastos sa'kin. Lalo na hindi ko 'rin ineexpect ang ginawa nilang pagprotekta sa'kin. Binugbog pa nila ang mga 'yun para sa'kin. Nakakatuwang isipin na ganon pala sila magpahalaga ng mga kaibigan nila.

Nang matapos ang araw na 'yun naging sobrang close ko na ang apat na 'yun. Kahit si Sage naging kaclose ko na 'rin siya. Pero minsan napaka mood swing niya pa 'rin. Minsan magiging mabait at sweet tas bigla nalang akong uutusan at susungitan. Diba napaka moody niya. Tss.

Pero mas lalo atang lumalala ang pagiging abnormal ng pagtibok ng puso ko. Kasi kung dati tumitibok lang 'to kapag sobrang lapit ko sakanya, ngayon makita ko lang siya bigla nalang magiging abnormal ang pagtibok nito. Diba mas lumala. Hays! Nakakainis nga eh. Hindi ako pamilyar sa ganitong pakiramdam.

Nakakatakot na nakakakaba na nakakaexcite. Kasi hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito. Bakit kasi nagkakaganito lang ang puso ko kay Sage? Bakit kala Steven, Third at Nathan hindi naman? Ano 'yun may favoritism 'tong puso ko? Hay.

Nandito nga pala ako sa Court ngayon. May practice kasi sila Sage ng basketball. Dapat nga uuwi ako ng maaga ngayon eh. Kasi next week na 'yung sinasabi nilang party. Wala pa kasi akong maisip na maisuot para doon. So plano ko sana dumaan ng mall ngayon kaso wala eh. Si kamahalan na ang nag-utos na hintayin ko daw siya edi pagbigyan na. Sakto sabado naman bukas kaya may time na ako makabili ng susuotin ko. Sabi ni Hannah ang theme color daw ay red, black & white na gown. Sa boys naman black & white lang. Hays. Ba't naman kasi 'tong engot na 'to eh, ang arte. Nagpapahintay pa. Ano ba kasing gagawin ko dito? Magbantay ng mga gamit nila ganon? Talagang alalay pa 'rin ang tingin niya sa'kin, eh 'no? Nako.

Kinuha ko nalang ang kwintas na binigay sa'kin ni Butler nung isang araw. Tinitigan ko lang siya. Ewan ko nga kung bakit kapag wala akong magawa kukunin ko nalang basta 'to at tititigan ko nalang. Nagiging weird na talaga ako. Natigil ako sa pag-titig sa kwintas ng makita ko si Nathan na papalapit. Kaya tinago ko na agad sa bulsa ko 'yun.

"Hi Zyra." Sabi sa'kin ni Nathan sabay ngiti. Napaka jolly person talaga nitong si Nathan kaya hindi ko na din napigilan hindi mapangiti.

"Hello Nathan." Sabi ko sakanya sabay ngiti din. Ang bait bait niya talaga pati ang cute na gwapo pa at napakagentleman pa. Saan ka pa diba? Girls dream boy kaya 'tong isang 'to.

"Nabobored kana ba dito?" Tanong niya sa'kin. Tumabi siya sa'kin habang umiinom ng gatorade. Pawis na pawis na nga siya pero ang gwapo pa 'rin niyang tignan. Bakit ganyan ka Nathan? Nang-aakit ka ba? Teka! Ano ba naman 'tong mga pinag-iisip ko?! Syempre hindi ako aakitin niyan. Tsk.

"Hmm. Hindi naman gaano, siguro medyo lang." Sabi ko sabay tumawa nalang ako. Ganon din siya.

"Ganon ba? Pagpasensyahan mo na 'yang boyfriend mo. Ganyan kasi talaga 'yan eh."

"Simula pa lang ng makilala ko 'yan alam ko nang ganyan na talaga ang ugali ng isang 'yan. Ginawa niya pa akong alalay niya. Napakagentleman pa, well 'yung kabaliktaran nga lang non." Natawa naman si Nathan kaya natawa nalang 'rin ako.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon