Ball Party
*
Hannah Fin Silva
HOOO! Buti naman at hindi kami nalate ng dating ni Bes Zyra. Thank God! Dahil malalagot ako sa President namin kapag nangyari 'yun. Nandito na nga pala kami ngayon sa may gate ng school.
Habang inaayos ko 'yung gown ko napatingin ako sa mga studyanteng nakatingin saming dalawa ni Zyra. Ngumiti sila sa'kin kaya ngumiti nalang din ako sakanila. Friendly naman kasi akong tao 'no. Wag lang talaga nila aawayin ang one and only bestfriend ko. Dahil ako ang makakalaban nila kapag nangyari 'yun.
Naglakad na kaming dalawa papunta sa loob pero napansin kong tumigil siya kaya nilapitan ko siya.
"Bes, okay ka lang?" I asked. Mukhang kinakabahan kasi siya. Nasesense ko lang.
"Hindi ko nga alam Bes eh. Parang kinakabahan ako na ewan." Just like what I thought. Pero, teka hindi kaya. Natatawa na tuloy ako.
"Baka naman kaya ka kinakabahan kasi first time mo dumalo sa ganitong party. Ano?"
"Siguro nga. Pero parang hindi eh. May iba talaga. Hays. Ang gulo." Haynako Hannah wala ka talagang kwenta magpatawa. Hinawakan ko nalang 'yung kamay niya para kahit papaano mawala na 'yung kaba niya at nginitian ko siya.
"Wag ka mag-alala nandito lang ako sa tabi mo. Hindi naman kita iiwan 'no. Tsaka ganda ganda mo kaya ngayong gabi. Kaya dapat hindi ka kabahan dyan. Smile kana. Bilis." Pagkasabi ko niyan ngumiti na agad siya. That's my power. Isang ngiti ko lang ngingiti na 'rin siya. Kasi nga bestfriends forever kami at mahal na mahal ko 'tong babaeng 'to. Kahit minsan napaka sungit at taray.
"Ayan. Edi mas lalo kang gumanda. Osiya, isuot na natin 'tong maskara natin. Masquerade ball 'to, kaya dapat hindi makikita mukha natin. Tara na." Tumango lang siya sakin at sinuot niya na 'rin 'yung maskara niya ganon din ako. Hinawakan ko na ulit ang kamay siya at naglakad na kami papunta sa loob.
Kulay yellow nga pala ang gown ko ngayon. Pero hindi talaga siya gown. Cock tail dress lang. Pwedeng maikli sa harap pwede ko din tanggalin 'yun para umikli. Parehas kami ng style ng gown. Maikli ang harap pero mahaba ang likod. Pero 'yung likod ng sa'kin hindi ganon kahaba. Cool style, diba?
"Yung phone ko nakalimutan ko!" Nagulantang naman ako bigla sa pag sigaw niya. Minsan grabe 'rin 'to makareact eh. OVER!
Sakit tuloy ng tenga ko. Lumingon ako sa likod ko buti hindi pa kami masyado nakakalayo dun sa kotse ko. Binigay ko sakaniya 'yung susi ng kotse ko.
"Tignan mo nalang doon sa kotse ko baka nandoon lang 'yan. Bilisan mo, ah." Tumango naman siya at tumakbo na. Hays. Nakaheels siya tas tatakbo? Nako. Ginalaw galaw ko 'yung ulo ko. Feeling ko kasi 'yung utak ko tumagilid dahil sa sigaw ni Bes eh. Hays.
"Oh. Okay ka lang ba miss?" Napalingon naman agad ako doon sa lalaki nagsalita sa likod ko. Hala. Na-out balance na pala ako. Nakakahiya. Inayos ko yung tayo ko at sarili ko. Nakamaskara din kasi 'yung lalaki buti nalang pala nakamaskara na din ako. Dahil kundi malaking kahihiyan 'to para sa'kin. Napatingin ako sa mata nung lalaki kaya napaiwas agad ako ng tingin.
"Oo naman. Ayos lang ako. Pasensya kana hindi ko sinasadyang mabangga ka." Medyo nauutal pa ako magsalita kasi feeling ko talaga na siya si...
![](https://img.wattpad.com/cover/9103079-288-k992282.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...