Special Chapter

3.1K 84 1
                                    

Ideal Boyfriend

*

Steven Anthony Torres

"Okay girls. I have to go." Sabi ko sa mga babaeng nakadikit sa'kin na akala mo mga linta. Sa totoo lang daig pa nga nila mga linta kung makadikit sa'kin eh. Nagsialisan naman agad 'yung iba maliban kay Cassandra.

"Okay honey. Just call me if you need anything, okay?" Si Cassandra palagi ang nag-eentertain sa'kin dito sa bar. Yeah. Nasa bar ako ngayon. Paki niyo?

"Okay honey. I'll surely call you." Sabi ko sakanya. Hinalikan niya ako sa pisngi ko. Bago umalis na ako. Sa totoo lang hindi ko siya fling. Parang wala lang kami. Ah, basta. Sumakay na ako sa bago kong Yellow Lamborghini. Yeah baby. Ang gwapo niya tignan parang ako lang. Syempre mana mana lang 'yan.

Sumakay na ako at umalis na. Ayokong masyadong gabihin ngayon dahil magagalit nanaman sa'kin si Dad. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang mga ganitong sikreto ko eh. Siguro, father's instinct?

Pero close ko naman 'yun kahit papaano. Yun nga lang kapag once na inutos niya kahit ayaw mong gawin kailangan mong sundin. Buti pa nga siya kahit papaano may care sa'kin eh. Paano naman ang magaling kong ina? Wala. Hindi ko nga alam kung nasaan na 'yun eh. Pero who cares? Mas gugustuhin ko pang makita si Dad kesa sakanya. Bahala siya sa buhay niya.

Tumingin ako sa relo ko. 6:25 pm. Hmm, not bad. Pagbalik ko ng tingin sa daan nahagip ng mata ko 'yung isang babae na nakaupo don sa may puno. Parang si Hannah.

Si Hannah nga ba talaga 'yun? Pero kung siya nga 'yun ano naman ginagawa niya dito mag isa? Gabi na tas nagkatambay lang siya dyan? Naulan pa. Pero wala na akong time para mag isip ng ganon. Tinigil ko agad ang kotse ko. Kinuha ko 'yung jacket ko at tinakbo ko na siya don. Wala kasi akong payong kaya jacket nalang.

Nakita kong wala na siyang malay. The heck! Hinipo ko yung noo niya at leeg. Inaapoy na ata siya ng lagnat. Sobrang init niya kasi. Nako naman! Sinuot ko na 'yung shoulder bag niya at sinuot ko 'rin sakanya 'yung jacket ko at binuhat ko na siya patakbo sa kotse ko. Nilagyan ko na agad siya ng seatbelt at tumakbo na agad ako papunta sa drivers seat.

Hinawakan ko ang kamay niya. Sobrang lamig. Hays. Tinapik tapik ko siya.

"Hannah? Hannah, gumising ka. Hannah." Kaso hindi siya sumasagot. Inaapoy na siya ng lagnat. Sobrang init na niya lalo. Nakakapressure naman 'to. Ano bang alam ko sa pag aalaga? Hindi naman kasi ako nurse no. Bahala na nga.

"Aalagaan nalang muna kita Hannah."

*

Hannah Fin Silva

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Ugh! Medyo masakit ang ulo ko. Kaya napahawak ako sa ulo ko. Humiga ulit ako at pinikit ang mga mata ko. Naikot kasi paningin ko eh. Pero wait parang may iba. Binuksan ko ulit ang mga mata ko at pinikit ulit. Hays. May iba talaga eh.

Binuksan ko ulit at inikot ko ang dalawa kong mata. Hala! Hindi ko 'to kwarto ah? Napaupo ako bigla at tumingin sa suot ko. God! Hindi ko 'rin 'to damit! What the heck?! Nasaan ba ako?!

"Oh. Gising kana pala." Napalingon agad ako sa may tabi ko. Oh gosh. Totoo ba 'to? Bakit kasama ko siya?

"Bakit naging ganyan itsura mo? Para kang nakakita ka ng multo ah?" Natawa siya habang sinasabi 'yan sa'kin. Ako? Eto. Natanga na. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa noo ko.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon