Chapter 68

3.3K 63 7
                                        

His Side (Part II)

*

King Sage Luxcido

Ugh! Hanggang ngayon ang sakit sakit pa 'rin ng ulo ko. Hays. Ano ba naman kasi 'yung pinaamoy sa'kin na 'yun? Isang araw na ang nakalipas pero ang sakit sakit pa 'rin ng ulo ko. Damn!

"Sage." Napalingon ako sa kanan ko. Si Dad pala. Tumango lang ako sakanya at tumingin na ulit sa labas. Nandito kasi ako ngayon sa terrace nagpapahangin lang. Hapon ngayon pero malilim naman dito sa tinatambayan ko ngayon kasi natatakpan ako ng malaking puno na nagsisilbing harang ko sa init ng araw.

"Kamusta naman 'yang ulo mo? Mukhang masakit pa 'rin 'yan hanggang ngayon, ah?" Sabi niya. Agad ko namang inalis ang kamay ko sa ulo ko at nag cross arms nalang.

"Okay na ako, Dad. Medyo masakit lang ngayon ng onti pero mawawala din 'to." I said calmly. Ayoko naman mabuhos ang inis ko kay Dad. Minsan na nga lang siya umuwi dito ganon pa gagawin ko. Tsk.

"So um-oo kana ba kay Loreigne?" Agad naman nag init ang ulo ko sa tanong niyang 'yun. Hinarap ko siya at tinignan ng seryoso.

"Pwede ba Dad wag na muna natin siya pag usapan ngayon?" Irita kong sabi sakanya. Ayoko lang kasi talaga munang isipin ang tanong niyang 'yun eh. Masyado pang magulo ang utak ko para sagutin ang bagay na 'yun and for pete's sake! Lalaki ang dapat nagawa non hindi babae.

"Anak baka nakakalimutan mo kumpare ko ang ama niya kaya kailangan mag ingat ka sa mga ginagawa mo." Seryoso niyang sabi sa'kin. Alam ko naman 'yun eh parang magkapatid na nga silang dalawa eh. Pero fuck kasi buhay ko na 'yun eh, kaya dapat ako na bahala don. Ramdam kong nainis siya sa sinabi kong 'yun pero wala na akong pakialam. Hinarap ko siya at tinignan ng diretso sa mata.

"What do you want me to do then? Say yes to her inappropriate marriage proposal? And then, what?" Walang gana kong tanong sakanya. Ayoko kasi sa lahat 'yung pinapakielaman ang mga desisyon na gusto kong gawin. Malaki na ako and I know what I'm doing.

"What if I say, yes? What will you do?" Agad akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Kakaiba na ang aura niya and I can feel that something will happen and its not good. Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang 'yun kaya tinutok ko nalang ulit ang atensyon ko sa labas.

"Oh, bakit natahimik ka na dyan?" Tanong niya sa'kin na mas kinainit pa lalo ng ulo ko. Fuck! Iniinit niya ba lalo ulo ko? Naramdaman kong lumapit siya sa'kin at inakbayan niya ako.

"Listen to me carefully, Son. Alam kong iniwan ka ni Loreigne noon pero dati naman na 'yun eh. Bumalik na siya sayo ngayon, diba? I know it's hard for you to accept the fact na iniwan ka niya noon at bigla nalang siyang babalik sayo na parang walang nangyari. Pero bakit hindi mo subukang buksan ulit 'yang puso mo para sakanya?" May halong pag aalala ang boses niya habang sinasabi niya 'yun. Pinaalala niya talaga sa'kin ang lahat. Great Dad. Just great. You really do help me. Kaya sa inis ko tinabig ko siya palayo sa'kin at tinignan ng masama.

"Alam niyo naman pala ang nangyari samin noon eh. So bakit niyo pa ipipilit sa'kin 'yang lintek na Loreigne na 'yan?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Oo, importante siya sa'kin. Pero hindi ko ipagkakaila na may galit pa 'rin akong nararamdaman dito sa puso ko lalo na kapag naaalala ko 'yun. Tangina lang!

"Baka nakakalimutan niyo may girlfriend na ako, Dad." Sabi ko sakanya na kinatahimik niya. Ako naman, napahigpit nalang ako ng hawak sa kamao ko. Ayoko siyang nasisigawan dahil may respeto ako sakanya. Pero kapag ganito na kasi ang usapan hindi naman pwedeng mananahimik nalang ako at sumang-ayon sa gusto niyang mangyari.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon