Being his Personal Alalay (Part III)
*
Zyra Lianne Alvarrezz
Time Check it's already 11:59 PM. Late na. Ang bilis naman ng oras dito hindi ko napansin. Hay. Nakakainis naman oh! Hindi ako makatulog.
Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis. I hate you Engot!
I REALLY HATE YOU!
Gusto niyo ba malaman kung bakit ako nagkakaganito? Tae talaga. Nakakainis.
*
"Kasi ako ang prince charming mo at ikaw ang aking prinsesa na matagal ko ng hinihintay." Sabi niya sa'kin. Sabay ngumiti siya. As in totoong ngiti. What on earth is happening here? What the hell?
Is this some kind of joke or what? Yan nalang ang nasabi ko sa isip ko. At dahil sa sinabi niyang 'yun nagreact lahat ng mga students na nakarinig at nakatingin samin.
Eh, paanong hindi nila maririnig nakapalibot kaya sila samin. Nasa gitna kaming dalawa diba? Narinig ko mga bulungan ng mga babaeng bubuyog sa likod ko.
"Wow! Ngayon ko lang ulit nakitang naging ganito si Prince Sage natin sa isang babae ah?"
"Oo nga eh. Nakakainggit naman yung girl na 'yun."
"Yeah. You're right. I wish I was her."
"Teka, siya ba 'yung girl na new student dito?"
"Hmm. Yeah, I think so."
"Wow naman. Kung sila ang magkakatuluyan mas gusto ko pa. Bagay naman sila eh. Kahit masakit para sa'kin."
"Drama mo girl ah?" At marami pang kaartehan at ka-ek-ekan ang mga pinagsasabi nila samin. Edi kung gusto nila, edi sila nalang dito sa posisyon ko. Kung alam lang nila kung gaano ako kagalit sa lalaking 'to.
"Please babe, wag kana magalit sa'kin. Patawarin mo na ako. Please?" Ayan nanaman siya sa pag-tawag sa'kin ng Babe na 'yan. Ugh! Lintek naman. Kinikilabutan na ako dito.
"Yieeee! Patawarin mo na siya ate."
"Oo nga. Kawawa naman ang Prince Sage namin eh." Hays talaga! Lumapit sa'kin si Sage at may binulong.
"Alam kong naiinis kana sa mga pinag-gagawa ko ngayon. Pero titigil lang ako kung papayag ka sa kondisyon ko. Hindi na kita magiging alalay, alipin o yaya basta mag-panggap ka lang na girlfriend ko dito sa school. Ano deal?" Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niyang 'yan. Nag-sisink in pa sa utak ko yung mga sinabi niya sa'kin eh. Lumayo na siya sa'kin pero hawak niya pa 'rin ang dalawa kong kamay.
"Osige. Bibigyan kita ng time para mag-isip. Basta just call or text me kung payag kana. Basta mahal na mahal kita Zyra tandaan mo 'yan, ha?" Sabi niya sa'kin sabay ngumiti siya ulit. Ay hindi ngumisi pala. Nagreact ulit ang mga chismosang mga babae sa paligid namin. Hinila niya na ako papunta sa sundo ko. Umalis na kami.
*
NAKAKAINIS NA TALAGA SIYA!
Nakakainis. Nakakainis. Ugh! Kasi naman mag-panggap ako na fake girlfriend niya? Bakit ako pa? Shitness overload talaga.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...