Chapter 9

7.3K 148 1
                                    


Rules of Being his 'Alalay'

*

Zyra Lianne Alvarrezz

"What the hell, Engot!" Sigaw ko sakanya kaya napalayo agad siya sa'kin.

Diba na-out of balanca kaming dalawa at ang nangyari is ako napahiga sa sahig. Akala ko nga mauuntog ako, 'yun pala sinalo ng isa niyang kamay ang ulo ko at yung isa naman nakahawak sa bewang ko. Imagine niyo nalang sa utak niyo kung gaano ka-awkward ang posisyon naming 'yun. Take note siya naman ang nasa ibabaw ko.

Buti nalang dalawa ang shorts ko. Kasi naman muntik na ako makitaan ni Engot. Napansin kong nakatingin siya sa'kin kaya umupo ako ng maayos sa sahig. Tinignan ko siya ng masama.

"What's with that stupid look?" Engot na 'to nagtanong pa.

"Kasi naman kung binigay mo agad sa'kin 'yang cellphone mo, edi sana hindi na nangyari ang mga nangyari kanina!" Pasigaw kong sabi sakanya. Tinignan niya lang ako na parang ewan. Biglang ibinaling niya sa kabilang direksyon ang tingin niya. Lalabas na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Ano ba, Engot! Bitawan mo nga ako!"

"Ayaw ko. Dito ka lang hindi ka pwedeng umalis."

"At bakit naman?" Dahil sa tanong kong 'yun. Napatingin nanaman siya sa ibang direksyon at hihilahin ko na sana ang kamay ko palayo sakanya pero natigilan ako sa sinabi niya.

"Because you're my alalay now remember? And whether you like it or not, you will do whatever I'll tell you to do, got that?" Seryoso niyang sabi sa'kin. Hinawakan niya ng mas lalong mahigpit ang kamay ko at bigla bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.

"Mamayang 4 pm gusto ko pumunta ka sa Red Eagle room. May ipapagawa ako sayo doon. Kapag hindi ka nakarating agad doon within' 5 minutes after ng dismissal natin, I'm sure bukas na bukas drop kana dito sa school na 'to. So, nagkakaintindihan ba tayo?"

"Fine. I will. Kaya pwede mo na akong bitawan." Oramismo pagkasabi ko non hinila ko na agad ang kamay ko palayo sakanya at nagwalk-out. Bakit pa kasi ako pumayag na maging alalay ng isang Engot na 'yun? Nakakainis. Dumiretso na ako papunta sa Canteen. Buti naabutan ko pa sila Hannah at sila Steven. Nagtatawanan sila at mukhang nagkakasayahan sila don kaya hindi nalang ako pumunta bumili nalang ako ng isang Zesto na Mango Juice at lumabas na agad ako sa loob ng Canteen.

Pumunta nalang ako sa playground at nagpahangin. Fresh air eh. Sarap sa pakiramdam. Tahimik din hay. Kung nandito lang sana si Mommy.

"Bakit ka nag-iisa dito? Nasaan si Sage?" Agad naman akong napalingon sa likod ko.

"Ewan ko kung nasaan yung Engot na 'yun. At wala akong pakialm don tsk. Sakit lang siya sa ulo ko." Sabay inom ng Juice ko at tinalikuran ko na siya. Naramdaman ko naman na tumabi sa'kin si Nathan.

"Ibang klase ka Zyra. Alam mo bang ikaw pa lang ang nagsasalita ng mga ganyan kay Sage. At tinawag mo pa siyang Engot? Hahahahaha. Imba." Totoo naman kasing Engot yung isang 'yun. Kapag naaalala ko yung nangyari kanina mas lalong umiinit ang dugo ko sakanya eh. Pinapapunta pa ako sa Red Eagle room eh, hindi ko naman alam kung saan 'yun. Ang Engot niya talaga. Hindi nag-iisip.

"Oh, bakit ka nakabusangot dyan? Hindi bagay sayo. Ang taray mo na nga tapos palagi ka pang nakasimangot. Tsk. Sayang ganda." Bigla nalang akong napatingin sakanya at ewan ko bigla nalang ngumiti ang mga labi ko. Mukhang nagulat pa nga siya eh. Kaya ngumiti nalang rin siya sa'kin. Ang swerte siguro ng babaeng magugustuhan nito ni Nathan. Kasi bukod sa gwapo, mabait, maalagain, ay palangiti pa.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon