Ball Party (Part III)
*
Zyra Lianne Alvarrezz
Nandito na kami ni Hannah sa may gate ng school. Hoooo! Bakit ba parang kinakabahan ako pumasok sa loob? Hays. Tumigil muna ako sa paglalakad. Napansin naman agad ni Hannah 'yun at nilapitan ako.
"Bes, okay ka lang ba?" Tanong niya agad sa'kin. Napatingin nalang ako sa malayo.
"Hindi ko nga alam Bes eh. Parang kinakabahan kasi ako na ewan."
"Baka naman kaya ka kinakabahan kasi first time mo dumalo sa ganitong party, ano?"
"Siguro nga. Pero parang hindi eh, may iba talaga. Hays. Ang gulo." Hinawakan ni Hannah 'yung kamay ko at nginitian ako.
"Wag ka mag-alala, nandito lang ako sa tabi mo. Hindi naman kita iiwan 'no. Tsaka ang ganda ganda mo kaya ngayong gabi. Kaya dapat hindi ka kabahan dyan, smile kana. Bilis." Bigla naman gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Hay. Hannah never fails to make me smile.
"Ayan, edi mas lalo kang gumanda. Osiya, isuot na natin 'tong maskara natin. Masquerade ball 'to, kaya dapat hindi makikita mukha natin. Tara na." Tumango nalang ako bilang sagot ko. Hooo! Wag ka kabahan Zyra. Matapang ka diba? Ball party lang 'to.
*
King Sage Luxcido
Nasaan na ba siya? Ang tagal naman ng amazonang babaeng 'yun. Nakailang tawag at text na ako sakanya tas siya wala man lang reply, hays. Tsaka teka nga, bakit ko nga ba siya tinatawagan at tinetext? Fuck! Hindi naman ako excited makita siya.
Bakit ko nga 'rin ba siya hinahanap? Puta hindi ko alam kung bakit eh. Makainom na nga lang. Pang limang shot ko na 'to. Kaso parang wala lang sa'kin eh.
"Pre, ayos ka lang ba? Kanina ka pa inom ng inom dyan, ah?" Puna sa'kin ni Third.
"Oo. Ayos lang ako. Wag mo nalang ako pansinin." Uminom ulit ako ng isa pang shot at isa pa.
"Halatang hindi eh. Bakit? Si Zyra ba hinahanap mo?" Tanong niya sa'kin. Tinignan ko siya ng seryoso. Medyo nahihilo na kasi ako na parang hindi. Ang gulo. Hays.
"Bakit ko naman hahanapin ang babaeng 'yun ha? Nababaliw kana ba?" Ganon na ba ako kahalata? Tsk. Malalagot talaga sa'kin 'yung amazonang 'yun kapag nakita ko siya. Nasaan na ba kasi siya?
"Hindi naman ako nababaliw 'no. Nakita ko lang kasi si Zyra kaya natanong ko lang kung siya ba 'yung hinahanap mo, pero mukhang hindi naman." Sabi niya sabay uminom din siya ng one shot na red wine. Nakita niya si Zyra?
"Saan mo siya nakita?" Tanong ko sakanya habang lumingon lingon ako kung saan saan. Hays. Nahihilo na nga talaga ako. Pero nakakabwisit na talaga eh. Sino ba kasing tangang nag-pauso na magsuot ng maskara na 'to? Paano ko kaya siya mahahanap eh. Lahat ng tao dito nakamaskara.
"Got'cha bro! Sabi na, siya ang hinahanap mo eh. Pero sad to say, joke lang 'yun kasi hindi ko pa siya nakikita. Kasi naman lahat kaya ng tao dito nakamaskara, so paano ko siya mamumukhaan, diba?" Sabi ni Third sa'kin sabay tumawa pa ang gago. Tsk.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Novela Juvenil(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...