Chapter 81

2.7K 58 2
                                    

His Worst State

*

King Sage Luxcido

Ang bilis lang dumaan ng mga araw. Hindi ko man lang namalayan na dalawang linggo na pala ang dumaan. Pakiramdam ko kasi parang kahapon lang nangyari ang lahat. Dalawang linggo na 'rin ganito ang ikot ng buhay ko.

Lagi lang akong nakatambay dito sa bar. Palagi din akong tinatawagan ni Mommy at Daddy sa phone ko. Pero wala akong balak sagutin ni isa sa tawag nila. Kahit text man lang.

Tanong sila ng tanong kung nasaan na daw ako at bakit hindi pa ako nauwi. Alam ko galit at disappointed nanaman sa'kin si Daddy. Tsk. What's new? Ganon naman palagi eh.

Hindi ko pinaalam kahit kanino kung nasaan ako ngayon. Gusto ko lang muna talaga mapag isa. Yung walang manggugulo at kakausap sa'kin. Lahat naman kasi ng rest house namin na pwede kong pagtaguan alam nila kaya dito ko nalang naisip magtago.

Tinignan ko ulit ang picture niya na kanina ko pa hawak hawak habang nainom ako ng beer. May private room naman dito na nakareserved para sa'kin dahil ang private room na 'yun ay para saming magtotropa lang. Kahit minors pa lang kami pwede na kami dito. Yun ang kapangyarihan ng pera.

Nandito ako ngayon nakaupo sa may stool chair malapit sa bartender. Hindi ko nga alam kung nakailang shots na ako eh. Basta ang alam ko lang walang ng talab sa'kin ang alak na iniinom ko ngayon. Pero kahit ganon gusto ko pa 'rin magpakalasing. Baka sakaling makalimutan ko 'yung sakit.

"Three more shot." Sabi ko doon sa bartender. Nung una, tinignan niya lang ako. Kaya tinignan ko siya ng masama. Anong problema ng isang 'to?

"Sir, kaya niyo pa ba? Kanina ko pa kasi kayo binibigyan ng shots eh." Tanong niya sa'kin. Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng 5 thousand at inabot ko sakanya 'yun at tinignan ko siya ng matalim.

"Mind your own business. Hayaan mo ako sa gusto kong gawin. Kaya hangga't umoorder ako sayo bigyan mo lang ako. Kaya kong bayaran lahat 'yan." Nakita kong tinignan niya lang yung 5 thousand. Pero kalaunan kinuha na 'rin niya at binigyan niya ako ng tatlong shot. Agad kong ininom yung isa at napapikit pa ako dahil ramdam ko 'yung pag guhit non sa lalamunan ko. Ininom ko na din 'yung isa pa at sinunod ko na din yung huli. Huminga ako ng malalim at tinignan ko ulit yung picture niya.

Hindi ko inaasahan na bigla nalang may nahulog na luha sa kanang mata ko pababa sa pisngi ko. Pinunasan ko agad 'yun pero doon ako nagkamali dahil sunod sunod na silang nahulog sa mga mata ko. Tumayo na ako at diretsong lumabas ng bar. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko. Ayoko na. Hindi ko na kaya yung sakit. Hindi ko pa 'rin kayang tanggapin na wala na talaga siya. Hindi ko kaya.

Bago ako tuluyang makalabas. Nakipagsiksikan pa ako dito sa dance floor dahil ang daming tao ngayon dito. Pero wala akong pakialam sakanila.

Sa wakas nakalabas na ako. Pero nagulat nalang ako ng bigla nalang may humawak sa kamay ko at hinila ako papunta kung saan. Nung una, nagpapadala lang ako sakanya pero nung narealized ko na hindi ko naman kilala kung sino 'tong humihila sa'kin ngayon, hinila ko agad palayo sakanya ang kamay ko.

Napatigil na din ako sa pagtakbo ganon din siya. Hinahabol ko pa ang hininga ko ng marealized ko na nasa tapat na pala kami ng isang store. Tatanungin ko sana kung sino siya pero nagulat ako ng makita ko sila Mommy at Daddy na nasa loob ng store na 'yun.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon