Always and Forever
*
Lianne Zyra Alvarrezz
Bakit ba hindi ko pa 'rin magawang buksan ang mga mata ko? Ang hirap hirap na ang bigat. Sinubukan ko ulit buksan kaso hindi ko pa 'rin talaga kaya.
Ilang beses ko ng sinusubukan gawin 'yun araw araw, kaso wala pa 'ring nangyayari eh. Naramdaman kong naiiyak nanaman ako dahil hindi ko talaga alam kung ano na ba talaga 'tong nangyayari sa'kin ngayon. Araw araw may mga naririnig akong mga iba't ibang pamilyar na boses sa paligid ko.
Tinatawag nila palagi ang pangalan ko. Pero kapag nagsimula na silang magsalita, hindi ko na maintindihan kung ano ba ang mga sinasabi nila sa'kin. Pero naririnig ko ang mga pag iyak nila.
Para sa'kin ba ang mga 'yon? Pero bakit? Ako ba ang dahilan non? Ramdam na ramdam ko kasi ang bigat at sakit na mga nararamdaman nila. Nararamdaman ko 'yun sa bawat pag hawak nila sa kamay ko.
At pinaparamdam nila sa'kin na dapat pa akong lumaban. Na wag pa akong sumuko at wag ko silang iiwan. Hindi ko naman kasi talaga sila iiwan eh. Hinding hindi at wala akong balak gawin 'yun. Hindi ko lang talaga alam kung ano ba talaga 'tong nangyayari sa'kin ngayon. Hirap na hirap kasi talaga akong gumalaw.
Ilang beses ko ng sinusubukan na igalaw ang mga kamay ko. Kaso ang hirap lang talaga. Nanghihina ako sa hindi maintindihan na dahilan.
Naramdaman kong may humawak nanaman sa kamay ko sobrang higpit ng hawak niya. At sa hindi ko mapaliwanag na dahilan ramdam ko ang pagbilis bigla ng tibok ng puso ko.
Biglang pumasok sa isip ko si Sage. Siya ba 'tong nakahawak sa kamay ko ngayon?
Nagsimula na siyang magsalita kaso hindi ko nanaman maintindihan kung ano ang mga sinasabi niya sa'kin. Bakit ba ganon? Gusto kong marinig ang boses niya eh. Gusto kong marinig kung ano mga sasabihin niya sa'kin. Gustong gusto ko talaga marinig.
Kaso bakit hindi ko nanaman ba maintindihan ang mga sinasabi niya? Bakit ba ganito nalang palagi? Bakit?! Pakiramdam ko maiiyak nanaman ako. Bakit ba kasi ganito nalang palagi? Kailan ba matatapos 'to? Gusto ko na ulit siya makita, mayakap at mahawakan.
Bakit ba kasi hindi ako makagalaw ng maayos tulad dati? Bakit ba hirap akong igalaw 'tong mga daliri ko sa kamay? At bakit ba hirap na hirap din akong ibukas 'tong mga mata ko? Ano ba talagang nangyayari sa'kin? Ayoko na ng ganito. Ayoko na!
Kung habang buhay naman akong ganito mas mabuti pang mamatay nalang ako. Dahil kung mabubuhay pa nga ako tas ganito lang din naman ang kalagayan ko, wag nalang. Dahil pakiramdam ko, napaka walang kwenta ko.
Pero nagulat ako ng maramdaman kong may luhang nahulog sa kanang mata ko pababa sa pisngi ko. Teka, nangyayari ba talaga 'to? Naramdaman kong hinawakan niya ang pisngi ko at may sinasabi nanaman siya. Pero ngayon, para siyang nagwawala. Hinawakan niya ng sobrang higpit ang kamay ko. Pero bakit ganito bigla ang nararamdaman ko?
Bigla akong nanghihina at nawawalan ng lakas. Sinusubukan kong hawakan din ng mahigpit ang kamay niya kaso, hindi ko na talaga magalaw ang kamay ko. Wala na 'ring luhang lumalabas sa mata ko. Ano na ba talagang nangyayari sa'kin ngayon?! Namamanhid na ang buong katawan ko.
Maya maya pa, onti onti na akong kinakain ng dilim na bumabalot kanina sa paligid ko hanggang sa buong katawan ko na. Diyos ko po, kayo na po ang bahala sa'kin.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...