Unexpected Fight*
King Sage Luxcido
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. As in sarili kong kwarto na ah. Wala na'ko don sa secret room namin. Papasok nga sana ako kanina kaso hindi pumayag sina Zyra at Nathan. Kaya ko naman na kasi. Pero aminin ko sainiyo nanghihina pa'rin talaga ako. Tsaka medyo sumasakit din 'yung braso ko dahil sa sugat ko. Kaya sabi ni Nathan sa'kin ieexcuse nalang daw niya ako sa mga Prof's namin ngayon. Kaya pumayag na 'rin akong hindi pumasok. Para na 'rin makabawi ako ng lakas.
Nakahiga lang ako dito sa kama ko kanina pa. Kakatapos ko lang maligo at kumain. Uminom na 'rin ako ng gamot. Medyo hindi na'ko nanghihina. Kung pumasok kaya ako mamaya? Pero baka naman pauwiin lang ako nila Mommy at ng mga prof namin. Psh.
Bakit ba kasi ako pumayag na hindi pumasok ngayon? Hays! Kaya ayokong hindi pumapasok eh. Nabobored ako dito sa bahay. Sawa na ako maglaro ng mga gadgets. Kaya nakinig nalang ako ng music sa phone ko.
Nakahiga lang talaga ako dito sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Feeling ko kasi may kailangan pa akong gawin eh. Teka kamusta na kaya si Zyra ngayon? Pumasok kaya 'yun? Ay! Teka bakit ba bigla kong naisip ang sungit na 'yun? Tsk. Napaupo ako sa kama ko at ginulo ko ang buhok ko.
Wait, speaking of Zyra. Pumayag na nga pala siya na maging fake girlfriend ko. Ang saya lang sa pakiramdam. Oh yeah!
NAALALA KO NA ANG GAGAWIN KO. HA!
Gagawa pala ako ng Contract about doon. Kaya dumiretso agad ako sa laptop ko at nagtype na ako ng kung anong maisip ko. Naalala ko nanaman 'yung scene kanina doon sa kwarto. Hindi ko napansin na ang sagwa ng itsura namin dalawa. Napansin ko 'rin na palagi nalang si Nathan ang nakakakita samin ng ganong posisyon namin dalawa ni Zyra. As in palagi nalang siya. Mga pangalawa na ata o pangatlo? Hay ewan. Wag ko na nga lang isipin 'yun. Tsaka ililibre ko pa si Zyra dahil sa pag-aalaga niya sa'kin non. Mabait naman pala siya at maalagain din. Hindi ko ma-imagine na ganon pala siya. Pero ngayon alam ko na.
Bigla naman akong napatigil sa pag-tatype ng maalala ko 'yung abnormal na pagtibok ng puso ko nung tinititigan ko si Zyra habang natutulog. Napahawak tuloy ako sa may dibdib ko 'yung doon sa may puso ko. Sa pagkakaalam ko, naramdaman ko lang 'yun sa isang babae na pinahalagahan ko ng sobra. Minahal ko ng sobra. Hanggang ngayon naman mahal ko pa 'rin siya eh.
Nangako siya sa'kin na hindi niya ako iiwan. Pero nasaan na siya ngayon? Wala. Nang-iwan siya eh. Nakakabadtrip naman. Bakit kasi bigla kong naisip 'yun? Pero ang tagal na pala. Pero siya pa 'rin ang nandito sa puso ko. Hay.
Pinapangako ko sa sarili ko. Makakalimutan ko 'rin siya. Gagawin ko ang lahat makalimot lang sa lahat ng sakit at lungkot na mga ala-ala ko sakanya. At kapag nakalimutan ko na siya ng tuluyan, this time, I swear, hindi na ulit ako mag-mamahal. Dahil sobra na'kong nasaktan noon. Kaya tama na 'yun dahil para sa'kin ang kasiyahan panandalian lang 'yan.
Pero ano kayang ibig sabihin ng pagbilis ng tibok ng puso ko non? Nung habang tinititigan ko lang si Zyra. Hindi kaya may gusto na ako sakanya? Pero hindi. Hindi pwede. Hindi na. Hindi na ulit ako magkakagusto sa kahit kaninong babae. Lalong lalo na hindi na'ko mag-mamahal ulit. Ayoko na ulit masaktan at maiwan mag-isa. Tama.
Wala lang 'yun. Wala 'rin akong gusto kay Zyra. Masyadong malabong mangyari 'yun. Iisipin ko nalang na kailangan ko lang talaga ng fake na girlfriend para hindi ako ipakasal ni Dad sa kahit kaninong babae. Tama. Yun naman talaga ang dahilan.
![](https://img.wattpad.com/cover/9103079-288-k992282.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...