Chapter 59

2.8K 55 1
                                    

Old Me

*

Zyra Lianne Alvarrezz

"Okay kana ba?" Tanong sa'kin ni Ken. Nandito pa 'rin kami sa bahay and still, sa kwarto ko.

"Sa ganito bang itsura ko ngayon masasabi mong okay ako?" Pabalang kong tanong sakanya. Natahimik naman siya bigla don.

"Sorry." Pagkasabi niya non, hindi na ulit ako nagsalita. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at nangyayari sa'kin ngayon. Wala na akong luhang maiyak. Siguro, naubos na. Wala na 'rin akong nararamdaman eh, 'yung sakit? Ewan ko. Bigla nalang nawala o pansamantalang nawala?

Basta ang alam ko parang namanhid nalang ako. Yeah, parang ganon nga. Kasi palaging ganito nalang ang nangyayari sa'kin araw araw eh. Iiyak, masasaktan at malulungkot.

Nakakasawa na.

Pero nagsimula lang naman akong magbago ng makilala ko si Sage eh. Dahil sakanya lahat lahat sa'kin nagbago. Natuto na akong magmahal. Natuto na 'rin akong pahalagahan ang ibang tao. At ang pinaka highlight sa lahat, natuto akong magpaka gago at magpaka tanga sakanya. Bakit ba kasi kapag nagmahal ka palagi ka nalang iiyak at masasaktan?

Bakit ba kasi may mga taong nang iiwan? Nakakainis na nakakasakit. Pwede naman kasing mang iwan eh, basta magsasabi lang sila. Para mapaghandaan, diba? Wag 'yung surprise.

"Tulala ka nanaman." Natigilan naman ako bigla sa sinabi niya. Tinignan ko siya halatang nag aalala nanaman siya sa'kin. Mukhang isang way nalang ang magagawa ko para maging okay na ang lahat at makaya ko pa ang mga nangyayari sa'kin at sunod na mga mangyayari sa buhay ko.

Ibabalik ko ang dating ako.

Yung dating Zyra na walang pakialam sa iba, lalo na sa mga nararamdaman nila na wala naman talagang kwenta. Yung dating Zyra na matapang. Yung walang kinakatakutang iba. At yung dating ako na mas malamig pa sa yelo.

"Please Zyra wag kana bumalik sa dating ikaw." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Wag akong bumalik sa dating ako?" Tumango siya bilang sagot niya. Agad naman akong natawa.

"At bakit naman? Hindi na ba pwede?" Hinawakan niya ang kamay ko 'yung sobrang higpit na hawak. Kaya napatingin ako doon.

"Pwede pero ayoko." Napatingin agad ako sakanya at nagulat sa sinabi niyang 'yun. Dahil sa ayaw niya lang?

"Ayokong maging ganon ka ulit, Zyra. Dahil alam ko this time, may isang lalaking gagawin ang lahat para sayo. Gagawin lahat para makalimutan mo lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon." Agad ko naman nilayo ang kamay ko sakanya at tumayo.

"At satingin mo sino naman 'yun, ha? Ni wala ngang natatagal na makasama ako eh. Tas 'yan pa kayang sinasabi mong lalaki, ha?" Mapakla kong sabi sakanya. Alam kong ramdam niya ang sakit sa mga salita ko. Pero ano ba kasing magagawa ko don?

This is the only way I know para kayanin ko pa lahat lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong maghiganti pero alam kong hindi ko kaya at useless din 'yun. Bakit?

Dahil alam ko sa sarili ko na ako lang naman ang masasaktan sa huli kapag ginawa ko 'yun eh. Kay Sage? Wala lang 'yun kasi nga wala na siyang paki sa'kin. Wala nalang ako sakanya kasi hindi na niya ako mahal.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon