His Side (Part V)
*
King Sage Luxcido
Pagkatapos ng nangyari kahapon pakiramdam ko wala na ako sa sarili ko. Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko nakatingin sa sing sing ko.
"Sage, nandyan ka ba?" Hinalikan ko ang sing sing na 'yun at pinikit ko ang mga mata ko. Kamusta na kaya siya ngayon? Nakauwi kaya siya ng maayos? Kumakain kaya siya ng maayos? Umiiyak pa kaya siya? Sana hindi na.
"Sage?" Sana okay lang siya ngayon. Sana okay na talaga at sana din nandoon si Nathan para sakanya.
"Hey, Sage. Answe me. Are you okay?" Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa tabi ko. Si Loreigne lang pala. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na siya napansin. Tumango lang ako sakanya at tumitig na ulit sa sing sing ko. Ngayon mas naramdaman kong mas lalo ko lang siyang namimiss.
"S—Sage, please don't be like this..." Natigilan ako sa sinabi niyang 'yun. Tumingin ako sakanya nakita kong nagtutubig na ang mga mata niya pero alam kong pinipigilan niyang mahulog ang mga 'yun. Dahil ramdam kong pinipigilan niyang umiyak mismo sa harapan ko.
Ayoko siyang nakikitang nagkakaganito ng dahil sa'kin. Pero alam ko 'rin naman sa sarili ko na wala akong ibang magagawa para mawala ang mga sakit na nararamdaman niya ngayon. Dahil kahit hindi niya sabihin sakin alam kong ako ang may dahilan non. Hinawakan niya ang kamay ko kaya tumingin nalang ako doon.
"S—Sage, I hate seeing you like this. It really breaks my heart even more." Pagkasabi niya non napatingin ako sakanya. Doon na siya naiyak. Binitawan niya ang kamay ko at tinakpan ang mukha niya. Kaya lumapit ako sakanya nilagay ko ang ulo niya sa may dibdib ko and I wrapped my arms around her. Mas lalo siyang naiyak dahil sa ginawa ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko 'to ginagawa, dapat galit ako sakanya. Dahil kung hindi dahil sa pagdating niya, ayos pa sana kami ni Zyra. Kung hindi sana siya nang-gulo okay pa ang lahat. Pero napaisip din ako kung hindi sana niya ako iniwan non. Baka masayang masaya kami ngayon.
"Sage, use me." Nagulat ako sa sinabi niya. Humiwalay siya sakin at hinarap niya ako. Nakakaramdam ako ng pagkaguilty.
"Gamitin mo ako para bumalik siya sayo." Mas lalo akong nagulat sa sunod niyang sinabi. Willing siyang gawin 'yun para sakin?
"Loreigne, what the hell are you talking about? Use you for my own good?" Hindi ko makapaniwalang sabi sakanya. Oo, ginawa ko 'yun nung una dahil sa gusto ko ding maghiganti sakanya noon at dahil gusto kong mapaayos ang lagay namin ni Zyra. Pero ngayon, hindi na. Matagal ko na siyang napatawad at ayoko na. Lahat naman ng bagay may rason, diba? Kaya ang galit ko sakanya wala ng rason 'yun para patagalin ko pa kung sa huli din naman magkakaayos din kaming dalawa.
"Yes, Sage. Kaya simula ngayon, gamitin mo ako. Binigyan na kita ng karapatan para gawin 'yun, kaya please lang, gamitin mo ako." Seryoso niyang sabi sakin. Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat at nilapit sakin.
"Ano bang nangyayari sayo ngayon, Loreigne? Nababaliw kana ba para magpagamit sakin?" Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Naramdaman kong sumunod siya sakin pero nagulat ako ng bigla nalang niya akong hinila at hinarap sakanya.
"Makinig ka sakin, Sage. Gamitin mo ako kahit 'yun lang gawin mo para sakin. Masaya na ako doon. Just please use me. Please?" Bigla akong natawa sa sinabi niyang yon.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...