Chapter 31

4.4K 110 2
                                    

A day with her

*

King Sage Luxcido

On the way na ako sa condo ko ngayon. Ayoko na muna umuwi samin. Bakit? Wala lang. Hindi ko trip eh. Pakialam niyo ba?

*Ring - Ring - Ring *

Hindi ko na tinignan kung sino 'yung tumawag. Sagot nalang agad. Astigin, diba?

"Sino 'to?"

[Ako 'to Sage.] Si Nathan pala. Halata naman sa boses eh.

"Oh, napatawag ka?"

[Hinahanap mo si Zyra, diba?] Napa-preno naman ako ng 'di oras.

[Bago ka mag-react patapusin mo muna ako.]

"Sige. Ano bang gusto mong sabihin?"

[Didiretsuhin na kita. Na sa'kin si Zyra ngayon.] Sabi niya sa'kin. Napatigil ako ng ilang minuto.

"Ano? Kailan pa siya nasayo? Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa'kin?"

[Hindi na importante 'yun. Kung gusto mo tanungin mo nalang siya.]

"Sige. Ibigay mo sakanya 'yung phone."

[Hindi na pre. Tulog pa siya eh. Kausapin mo nalang siya pag-gising niya.]

"Nasaan ka ba?"

[Nandito na ako ngayon sa may parking lot ng mall sa second floor—] Pagtapos niyang sabihin 'yun in-end call ko na agad at pinaharurot ng sobrang bilis ang lamborghini ko. Ewan ko ba, pero bigla ko nalang siya gustong suntukin. Na-sakanya lang pala si Zyra bakit 'di niya agad sinabi kanina?

Maya maya lang nandito na'ko ngayon sa parking lot ng mall sa second floor. Nakita ko agad ang kotse ni Nathan sakto walang nakapark sa tabi niya kaya doon na ako nagpark. Lumabas na agad ako ganun din siya nilapitan ko na siya.

"Nasaan si Zyra?" Ngumiti siya sa'kin. As always.

"Wag kang mag-alala wala naman akong ginawang masama sakanya eh." Kinuwelyuhan ko siya.

"Tangina. Sabihin mo na kasi kung nasaan siya." Seryoso kong sabi sakanya. Hindi ko maintindihan sarili ko lalo na kung bakit pakiramdam ko nagdidilim paningin ko kay Nathan ngayon.

"Nandito siya sa loob ng kotse ko natutulog." Tinulak ko siya palayo sa'kin at binuksan ang pinto ng kotse niya. Nakita ko na si Zyra. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko nakasuot siya ng simpleng short na maong na hindi ganon kaikli at nakaover size na t-shirt.

Binuhat ko na siya paalis sa kotse ni Nathan at diniretso agad sa loob ng kotse ko sa may passenger seat. Inayos ko na 'yung seatbelt niya. Lumabas ulit ako at nilapitan si Nathan.

"Bakit ganon ang suot niyang damit? Diba dapat nakagown siya na white?" Binuksan lang niya yung pinto ng kotse niya sa likod at may kinuhang isang mahaba na puting box at inabot sakin 'yun.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon