Chapter 62

2.9K 62 0
                                    

Getting Over Him (Part II)

*

Zyra Lianne Alvarrezz

"Bes, ready kana ba ulit pumasok?" Tanong sa'kin ni Hannah. Nandito na kami sa school pero nasa loob pa 'rin kami ng sasakyan niya.

Tumingin ako sakanya at ngumiti. Alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ako ganon ka-ready. Pero anong magagawa ko? Hindi naman ako pwedeng umabsent nang umabsent, diba? Kaya okay na 'rin ako dito. Kakayanin ko. Huminga ako nang malalim at humarap ako sakanya.

"Okay na ako Bes. Kaya ko na ulit kaya wag kana mag-alala masyado dyan, okay?" Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti din siya sa'kin pabalik. Dahil sa ngiti niyang 'yun naramdaman kong onti onting nabawasan ang kaba dito sa dibdib ko.

"Sige. Tara na at baka malate pa tayo." Bumaba na kami sa magkabilang pinto ng sasakyan and to my surprised, nasa harapan ko na agad si Nathan habang nakabungad agad sa'kin ang ngiti niyang nakakasilaw.

"Good morning Ms. Beautiful." Nakangiti niyang bati sa'kin. Kaya napangiti na 'rin ako sakanya pabalik.

"Good morning din Nathan." Bati ko sakanya habang inaayos ang pag sukbit ng bag ko sa likod ko. Nagulat naman ako ng bigla nalang niyang kunin 'yun ng isang kamay lang ang gamit.

"Ako na ang magdadala nito. Tara na." Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na siyang maglakad. Ako naman nakatingin lang sa kamay naming dalawa. Pero natigilan ko ng makita ko sila Third at Hannah. Magkaholding hands na 'rin. Whoa! Is this for real?

Nakita ni Hannah na nakatingin ako sakanya. Agad naman siyang tumingin sa'kin and she mouthed, 'I'll explain later'. Ngumiti nalang ako sakanya na nagsasabing, 'Kailangan mo talagang mag-explain'. Magkasabay na kaming apat maglakad pero agad naman napatigil maglakad si Nathan.

"Oh? Bakit ka tumigil?" Tanong ko sakanya. Napansin ko 'ring tumigil din sila Hannah. Ano bang meron? Nagulat ako ng bigla nalang akong inikot patalikod ni Nathan at hinawakan ni Hannah ang isang kamay ko.

"Zyra doon nalang tayo sa isang daan pumunta." Sabi niya sa'kin sabay hila sa kamay ko. So, ang itsura namin si Third nakahawak pa 'rin kay Hannah. Kumbaga sa madaling salita, magkahawak kaming apat ng kamay ganon. Para tuloy kaming naglalaro dito. Tss.

"Wait!" Tumigil naman sila at tumingin sa'kin.

"Bakit doon pa tayo dadaan? Malayo pa 'yun eh. Dito nalang tayo para mas mabilis." Paharap na sana ulit ako ng biglang hawakan ni Nathan ang magkabila kong balikat at hinarap ulit ako kala Hannah.

"Doon nalang Zyra. Mas onti pa tao doon. Tsaka hindi na tayo mahihirapan pang makipagsiksikan para lang makaakyat." Sabi ni Nathan. Ewan ko ba pero pakiramdam ko may tinatago silang something sa'kin. Bahala na nga sila dyan.

"Sige na nga. Doon nalang tayo dumaan." Nakita ko naman siyang ngumiti at nag-sigh. Weird naman. Nagsimula na ulit kaming maglakad ng biglang magsigawan ang mga babae.

"Oh my goshness! Ayan na siya!"

"Ang gwapo gwapo niya talaga kahit kailan! Kyaaah!"

"Sobrang gwapo talaga! Akin ka nalang!"

"He's mine! Only mine! Kahit taken na siya. Anyways, bagay naman kayo eh!"

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon