Chapter 20

4.7K 112 1
                                    


Phone Call From My Savior and Engot

*

Zyra Lianne Alvarrezz

Halos dalawang linggo na ang nakalipas. Pero ito pa 'rin ako. Still ayoko pa 'ring pumasok.  Natatakot pa 'rin ako eh. Natatakot ako na baka makita ko nanaman ang mga lalaking 'yun. Sinabi ko na ang nangyari sa'kin kala Yaya Nellyn at Butler.

Galit na galit sila nung malaman 'yun. At oramismo gusto na nilang sugurin ang tatlong lalaking 'yun. Ang may gawa kung bakit takot na takot na akong lumapit sa mga lalaki ngayon.

First time nangyari sa'kin ang bagay na 'yun. Kaya ganito nalang ang takot ko. Nalaman na 'rin ni Hannah ang lahat. Kaya tumulong siya sa paghahanap sa mga 'yun. Nagulat nga ako kasi sabi sa'kin ni Yaya Nellyn may naghatid daw sa'kin dito nung araw na nangyari sa'kin 'yun. Isang lalaking hindi ko kilala. Gwapo daw at mabait. Sabi pa nung lalaki kay Yaya Nellyn na ingatan daw nila akong maigi at siya na daw ang bahala sa mga lalaking 'yun.

Tinanong ko kung nagpakilala ba 'yung lalaki sakanya pero hindi daw. Nakatakip daw 'yung mukha niya ng isang kulay Red na panyo. Si Yaya talaga paano niyang nasabing gwapo 'yun kung nakatakip naman pala ang mukha nung lalaki? Hays.

Ngayon medyo na wawala na ang takot ko. Pero ayoko pa 'rin pumasok. Parang hindi ko pa kasi kaya.

*Ring - Ring - Ring*

Sino ba 'tong natawag na 'to?

*

"Hello?"

[Okay kana ba?] Ang boses na 'yun. Siya ba 'to? Pero...

[He. Nandyan ka pa ba?] Tanong niya sa'kin. Pero kung siya nga talaga 'to, bakit ang lumanay naman ata ng boses niya? Bakit ganito? Bakit hindi ako makapag salita? Dahil ba sa kaboses niya si Sage? o dahil siya ang Savior ko? Pero may number naman ako ni Sage. Baka nga hindi siya 'to. Tama. Dahil talaga namang impossibleng mangyari ang bagay na 'yun.

[Hello? Zyra?] Mas lalo akong hindi nakapagsalita sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sakanya. Bigla naman siyang tumawa. Pero maya maya huminga siya ng malalim at muling nagsalita.

[Dahil ako ang Savior mo.] Seryosong sabi niya. Kung siya na nga ang Savior ko kailangan ko ng magpasalamat sakanya. Huminga muna ako ng malalim. Baka kasi hindi ko nanaman masabi ng diretso ang salita "Salamat" na word. So here it goes.

"Kung ikaw nga talaga ang lalaking Savior ko. Gusto kong magpasalamat sa'yo. Salamat kasi dumating ka sa oras na kailangan kita. Salamat kasi niligtas mo'ko sa mga lalaking 'yun. Maraming salamat. Napakabait mong tao. Thank you." Yes! Nasabi ko na 'rin ng diretso.

[Wow naman nasabi mo 'rin sa'kin ng diretso ang salitang salamat. Improvement ka ha. Hahahahahaha.]

"Huh? Nasabi ko 'rin sa'yo ng diretso ang salitang salamat? Anong ibig sabihin mo don?" Naguguluhan kasi ako eh. Paano niya nalaman na nahihirapan akong magsabi ng thank you sa ibang tao? Sino ba talaga siya?

[Huh? Sinabi ko ba 'yun? Nako. Wag mo nalang pansinin 'yun. Don't worry you're always welcome. Naalala mo pa yung sinabi ko sa'yo?]

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon