Chapter 69

3K 58 6
                                    

His Side (Part III)

*

King Sage Luxcido

Ilang weeks na ang dumaan at sinasamahan ko pa 'rin si Loreigne. Bumabalik na ang closeness namin sa isa't isa. Wala ng ilangan tulad nung una. Pero walang ibang meaning 'yun. Sinasamahan ko lang talaga siya dahil ayoko lang talagang maulit 'yung nangyari sakanya.

Ayoko talagang may mangyari pa sakanyang masama nang dahil nanaman sa'kin. Hindi ko na kakayanin kapag may mangyari pa sakanyang masama ulit. I just can't.

"Sage, gusto mo bang mamasyal mamaya?" Tanong niya sa'kin habang inaayos ang pinagkainan namin. Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila pinag day off niya muna 'yung mga yaya nila. Wala din dito si Tito kaya kaming dalawa lang dito ngayon. Lumapit ako sakanya at tinulungan ko siyang maghugas.

"Uy, ano bang ginagawa mo? Doon ka nalang maupo sa salas. Ako na ang bahala dito." Sabi niya sa'kin habang tinutulak niya ako papunta sa salas. Pero hindi ako nagpadala hinawakan ko ang magkabila niyang kamay kahit alam kong may mga bula na yun.

"Tutulungan na kita. Wag ng makulit." Sabi ko sakanya agad kong nakita ang pamumula ng magkabila niyang pisngi kaya tumingin siya sa ibang direksyon.

"O-Okay lang ba talaga sayo?" Medyo nautal niyang tanong sa'kin at dahan dahan tumingin ulit sa direksyon ko. Tumango ako at ngumiti lang sakanya. Pinakawalan ko na 'rin ang mga kamay niya at nagsimula ng hugasan 'yung mga pinggan. Hindi ko nalang sana siya titignan ng marealized ko na sobrang lapit niya pala sa'kin. Nakatingin lang din siya sa'kin ang kakaiba lang ay napaka seryoso niya. Kaya mabilis kong hinugasan ang mga 'yun para makaalis na 'rin ako dahil bibisitahin ko pa si Zyra.

Oo, alam kong dapat lumayo na ako sakanya para sa ikaliligtas ni Loreigne. Pero wala naman siyang sinabi na pati pagbisita bawal eh. Tsaka sinusunod ko lang siya ngayon dahil ayoko lang talaga mapahamak nanaman si Loreigne. Wala ng iba pang dahilan. Isang baso nalang ang natira kaya agad kong kinuha 'yun pero kinuha 'rin ni Loreigne kaya magkahawak tuloy ang kamay namin ngayon. Ayoko siyang tignan dahil naiilang na ako sakanya. Ayoko ng ganito siya kalapit sa'kin. Ayoko ng kahit na sino ay ganito kalapit sa'kin, dahil gusto ko si Zyra lang ang makakalapit sa'kin ng ganito. Wala ng iba. Siya lang dapat.

"Sage." Nagulat naman ako bigla ng magsalita siya. Hays! Ang weird ko. Pumikit lang ako saglit at tinignan ko na siya.

"May pag asa pa ba tayong bumalik sa dati?" Natigilan ako sa tanong niyang 'yun. Pakiramdam ko napatulala nalang ako sakanya. Napapitlag nalang ako bigla ng hawakan niya ang kamay ko at mas lalo pa siyang lumapit sakin. Okay, this is getting awkward.

"Loreigne, listen—"

"No, Sage. Listen to your heart." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Una, hindi niya naman ako pinatapos sa mga sasabihin ko. Pangalawa, she said listen to my heart. Okay! Dude, I don't need to listen to it because I know already who owns it.

"What do you mean, Loreigne? Listen to my heart?" I asked. She smiled and nodded.

"Yes, Sage. Listen to your heart. Wag mong pigilan ang nararamdaman mo dahil sa huli ikaw lang ang masasaktan at magsisisi. Sage, fight for your love, please." Sa totoo lang hindi ko siya maintindihan lalo na ang mga sinasabi niya. I don't exactly know what she wanted to say. Pero napaisip naman ako bigla doon. To be honest tama siya eh. Dapat hindi ko talaga 'to pinipigilan dahil ako lang talaga ang masasaktan at mawawalan. I should really fight my love for her. Teka by any chance kaya, binibigyan niya ako ng advice? Well, nakakatulong siya. Napangiti nalang ako dahilan para mapangiti din siya sa'kin. Pinat ko ang taas ng ulo niya at ginulo ang buhok niya.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon