His Side
*
King Sage Luxcido
Bumalik na siya ulit. Pero bakit? Para saan pa? Para guluhin ulit ako? Para saktan nanaman ako? Para guluhin nanaman ang nanamahimik kong buhay? Tas kapag nagawa niya na ulit ang mga gusto niyang gawin sa'kin, ano? Aalis nanaman siya ulit at iiwan nanaman niya ako? Bullshit!
"Isa pa ngang beer dyan." Sabi ko doon sa bartender. Yeah right. Nasa bar ako ngayon at wala kayong pakialam. Binigyan ako ng isa pang bote ng beer. Tinungga ko agad 'yun ng diretso. Napapikit naman ako bigla, pucha! Mukhang napapalakas na ata ang tama ko. Sumasakit na kasi ulo ko eh.
"Ah, sir. Okay pa po ba kayo? Kaya niyo pa ba?" Tanong sa'kin nung bartender. Tinaas ko lang ang kanang kamay ko na nagsasabing kaya ko pa. Nag iwan ako ng 3 thousand sa table at napahawak sa ulo ko. Ang sakit!
"Keep the change." Sabi ko sakanya bago tumayo na ako ng tuluyan at nagsimula ng maglakad palabas ng bar. Ang ingay kasi tsaka nahihilo na talaga ako dahil sa mga ilaw at mga nagsasayaw sa gitna. Wild and dirty dance.
Napatingin din ako sa kabilang side. May mga naghahalikan na at halos mag anuhan na sila dito. God! Nasa public place pa 'rin sila. Mga walang hiya talaga!
Get a room you morons! Gusto ko sanang isigaw kaso sadyang hindi ko na talaga pang tumingin dahil lumilindol na ang paligid ko. Pagewang gewang na nga akong maglakad dahil sa paningin ko. Muntik na akong matumba ng bigla nalang may sumalo sa'kin. Napayakap nalang ako sakanya.
"Wag ka mag alala nandito na ako, Sage." Nang marinig ko kung kaninong boses 'yun bumalik nanaman ang galit na nararamdaman ko dito sa puso ko. Pakiramdam ko nawala ata bigla ang pagkalasing ko at napalitan ng pagkainis. Agad akong lumayo sakanya muntik nanaman akong matumba pero pinilit kong tumayo ng maayos kahit na alam kong any minute now matutumba na talaga ako ng tuluyan.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong sakanya. Sinasadya ko talagang iparamdam sakanya na wala nalang siya sa'kin. Wala na siyang kwenta para sa'kin at wala nalang siya sa'kin. Kahit alam ko naman sa sarili ko na meron pa 'rin.
"Sinundan kita dito. Dahil alam ko na magpapakalasing ka nanaman. Sage naman, ingatan mo naman 'yang sarili mo." Ramdam ko sakanya na nag alala talaga siya sa'kin. Kakaiba nanaman ang nararamdaman ko dito sa puso ko. Hays! Napasabunot nalang ako sa buhok ko at naglakad na papunta sa kotse ko. Kaso hinila niya ako pabalik kanina sa pwesto ko kanina. Shit! Nalindol na ba talaga ngayon? Shit talaga! Ang sakit sakit na ng ulo ko. Hindi ko na kaya.
"Hindi mo kayang mag drive pauwi. Kaya whether you like it or not sa'kin kana sasabay." Sabi niya sa'kin at inakay niya na ako papunta sa sasakyan niya. Hindi na 'rin ako umangal pa dahil pakiramdam ko matutumba na talaga ako dahil sa sobrang kalasingan ko. Lindol na lindol na talaga.
Nang makaupo na ako sa passenger seat hindi ko alam kung bakit ko siya hinila palapit sa'kin. Nawalan siya ng balance kaya nahalikan niya ako mismo sa labi ko. Pinikit ko ang mga mata ko at mas nilapit ko pa siya sa'kin. Akala ko nga hindi siya tutugon sa mga halik na ibinibigay ko sakanya ngayon pero tumugon siya. Hinawakan niya ang batok ko at mas nilapit niya pa ang sarili niya sa'kin. Nagulat ako sa ginawa niya.
Napadilat ako bigla dahil nakita ko si Zyra. Si Zyra ang hinahalikan ko ngayon? What the hell?! Akala ko ba si Loreigne? Pero tumigil na ako sa paghalik sakanya at pumikit na ng tuluyan. Hindi ko na kaya. Naramdaman kong nilagyan niya na ako ng seat belt at inayos niya ang buhok ko sa mukha.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Novela Juvenil(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...