Nathan's Feelings
*
Top Nathan Rodriguez
Nagising ako bigla nang maramdaman kong nag-ba-vibrate ang phone ko sa bulsa ko. Tinignan ko si Zyra bago ko kunin ang phone ko. Napangiti nalang ako ng makita kong medyo okay na ang itsura niya.
Kahit kailan talaga napaka ganda niya kahit wala naman siyang ginagawa. Hinawakan ko ilang pirasong hibla ng buhok niya na humaharang sa mukha niya at tinabi 'yun sa likod ng tainga niya.
"Ang ganda mo talaga Zyea. Swerte sayo ni Sage pero ginaganito ka lang niya." Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko siya sa noo niya.
"Ako nalang kasi Zyra. Kasi pag ako ang pinili mo, hinding hindi kita sasaktan. Hinding hindi ko hahayaan na mangyari sayo 'to." Huminga ako ng maluwag at saglit na pumikit. Ngayon lang 'to pumasok sa isip ko hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi nila pero ano bang masama sa susubukan, diba?
"Sana dumating ang araw na ako na ang laman ng puso niya at hindi na si Sage. Sana ako nalang. Please grant my wish." Alam kong mali pero wala na akong magagawa doon. It's my own choice. Nobody's perfect nga, diba? So, bakit pa ako mag-mumukha at trying hard na maging perpekto kung ang kapalit naman non ay puro sakit lang pala, diba? Minulat ko na ulit ang mga mata ko. Nakita kong ngumiti si Zyra. Kaya napangiti nalang din ako.
"Akin ka nalang kasi Zyra. Kapag naging akin kana pinapangako ko sayo. Aalagaan kita ng sobra sobra. Yung tipong maiirita kana sa'kin. At hindi lang 'yun, ako ang magiging taga pag-tanggol mo kasi poprotektahan kita. Lahat ng gusto mo ibibigay ko sayo lahat lahat gagawin ko para sayo. Ganon kita kamahal Zyra. Sobra." Pagkatapos ko sabihin 'yun tinitigan ko siya saglit at tumayo na ako. Kinuha ko na
'rin ang phone ko. Babasahin ko pa lang ang text pero natigilan ako ng makita ko kung sino ang taong nasa likod ko."Hannah—" Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa'kin at maya maya bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Bumaba din ang tingin ko sa kamay ko. Nakalimutan kong hawak ko pa pala ang kamay ni Zyra. Bibitawan ko na sana ng naramdaman kong lumapit sa'kin si Hannah.
"Baka ideny mo pa ang nakita kong sweet scene na ginawa mo lalo na ang mga sinabi mo. Wag ka mag alala, safe sa'kin 'yang mga sikreto mo." Tumingin ako sakanya nakangiti siya sa'kin. Ngumiti na 'rin ako sakanya.
Medyo lumuwag na ang nararamdaman ko dito sa may dibdib ko. Dahil alam ko na may isa ng taong may alam sa nararamdaman ko para kay Zyra.
"Pero may isa lang akong tanong Nathan." Tinignan ko siya kung kanina nakangiti siya ngayon naman sobrang seryoso niya na.
"Ano 'yun?" Hindi ko nalang masyado pinansin ang pag-iiba agad niya ng mood.
"Mahal mo ba talaga ang best friend ko?" Natigilan ako sa tanong niyang 'yun at napaisip. Ito na ba ang time na sabihin ko sakanya ang lahat lahat ng nararamdaman ko na tinatago ko noon pa? Pero narinig naman niya lahat ng sinabi ko kanina kaya no use na 'rin kung ideny ko pa at hindi na importante 'yun basta isa lang ang alam ko ngayon.
Gusto ko na magpakatotoo sa nararamdaman ko hindi para kay Zyra o para sa iba o kahit kanino pa kundi, para sa sarili ko.Binalik ko muna ang kamay ni Zyra doon sa may kama niya at inayos ang kumot niya. Huminga ako ng malalim at hinarap ko na siya.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Teen Fiction(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...