Chapter 5

8.4K 207 2
                                    


"Don't be scared. I'm right here."

*

King Sage Luxcido

Akalain niyo 'yun may point of view pala ako? Pero nakakabadtrip eh. Kasi naman kanina pa pinagtatangol ni Nathan 'yun si Zyra. Tas ito naman si Zyra, ewan ko ba doon sa babaeng 'yun. Parang may dalaw eh. Kakikilala ko pa lang sakanya tas alam niyo 'yun siya pa lang 'yung unang babaeng sumagot sagot sa'kin nang ganon at tinatarayan pa ako.

Kinagat pa ako sa may kamay ko. Shit lang. Tapos kanina trip ko pa naman siyang pahiran sa mukha ng icing nung cake. Kaso ito nanaman si Nathan to the rescue. Kaya hindi ko nalang tinuloy.

Hays! Kaya buong klase namin hindi ako nakinig at natulog lang ako. Hindi ko maiwasan na mapatingin kay Zyra. Nasa harapan ko lang naman kasi siya nakaupo. Pero ewan ko ba. Maganda naman kasi siya. Oo maganda as in gorgeous. Pero teka joke lang pala 'yun. Pangit siya pangit.

Over sa pagkataray. Ako lang yung tinatarayan niya ng ganon. Nakakainis. Nung nandon naman kami sa classroom. Nagkatinginan kaming dalawa pero hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang ako palabas kasama sina Steven at Third. Nag-paiwan si Nathan eh. Ewan ko ba dyan. Parang may gusto na ata don sa mataray na Zyra na 'yun. Pero hindi sila bagay. Kasi masyadong mabait si Nathan at sobrang taray naman ni Zyra. Ewan ko ba sakanila. Bahala sila.

"Pre, kanina ka pa namin kinakausap, ah? Bakit ba ang tahimik mo?" Tanong sa'kin ni Steven. Pero hindi ko siya pinansin.

"Badtrip lang 'yan." Sabi ni Third na walang kabuhay buhay.

"Ay. Parang nga. Pero bakit naman? Meron ka ba?"

"Shit ka Steven. Ang ingay mo alam mo 'yun? Lagyan ko ng packing tape 'yang buganga mo eh. Pagtripan mo na ang bagong gising wag lang ang taong badtrip." Irita kong sabi sakanya. Ayoko pa naman sa lahat ng maingay kapag badtrip ako.

"Yan! Daldal kasi."

"Sige na nga mga pre. Mamaya dyan kung ano ano pa gawin niyo sa'kin eh. Una na ako. Sigurado ako hinahanap na ako ng mga chickababes ko." Sabi ni Steven. Sabay tumakbo na. Napaka talaga non. And yeah, babaero ang ugok na 'yun. Pero hindi naman siya nakikipag anuhan. PDA lang talaga masyado sa mga babae niya 'yun. Good kisser kaya 'yun pero don't get me wrong, okay? Hindi kami naghalikan non. Yuck. Sabi lang nung mga babaeng nahalikan niya sobrang sarap daw kasing kahalikan non eh. Oh well, wala naman akong pakialam. The hell I care. So kami nalang ang natirang magkasama ni Third.

"Sige pre. Bukas nalang. Mukhang wala ka talagang sa modd. Sige una na ako ah?" Paalam sa'kin ni Third. Nakipag apir nalang ako at 'yun umalis na 'rin siya. Ito 'yung pinaka ayaw ko eh. 'Yung naiiwan akong mag-isa kasi yung mga babae lalapit ng lalapit sa'kin.

"Gosh! Yan na! Mag-isa nalang siya! Tara na girls!"

"This is our time to shine!" Tae nagsisitakbuhan na sila papunta sa'kin. Kaya naman napatakbo na 'rin ako palayo sakanila.

"Kyaaaaaah! Sage, my loves! Wag ka ng tumakbo! Gosh! Ang gwapo mo!"

"Here we come our prince!" Double tae talaga kinikilabutan na ako. Saan ba ako pupunta? Naiinis na ako. Bakit ba naman kasi ako hinahabol ng mga 'to?

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon