Truths Revealed
*
Dyan Zent Alvarrezz
Tumingin ako sa paligid ko kung saan gusto niya kami magkita at mag usap. Tumingin ako sa kabuoan nito. Napaka laki ng building na 'to. At hindi ko maitatanggi na napaka ganda at sosyalin 'rin ng itsura niya kahit dito pa lang sa labas. Paano pa kaya pag nasa loob na?
Lumabas na ako ng sasakyan ko at dahan dahan kong sinara ang pinto. Nilagay ko ang magkabila kong kamay sa loob ng bulsa ng suot kong pantalon ngayon at nagsimula na akong maglakad papasok sa loob. Napansin kong lahat ng napasok sa loob non mga naka-suit pa na mamahalin at yung mga kasama naman nilang babae naman nakasuot ng mga mamahaling alahas at mga galanteng damit na sobrang fit sa katawan nila. Napailing nalang ako. Mga mayayaman nga naman.
Mayaman 'rin kami pero hindi ko hinahangad na magsuot ng ganon palagi. Maliban nalang kung papasok na ako sa trabaho ko sa kompanya namin nila Daddy. Pero bago ako makapasok sa loob bigla nalang akong hinarang ng mga guard. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. Kaya tinignan ko ang sarili ko. Nakasimpleng white t-shirt lang kasi ako ngayon at faded na pantalon dahil makikipag usap lang naman ako sakanya.
Tinignan ko ulit sila at ganon pa 'rin ang ginagawa nila sa'kin. Hindi 'rin nagtagal nakaramdam na ako ng pagkairita. Nakita kong may pumasok nanaman na ganon ang mga suot. Kaya hindi ko na mapigilan ang sarili kong magreklamo.
"Anong problema niyo sa suot ko, ha? Kailangan ko 'rin bang magsuot ng mga mamahaling damit bago niyo ako papasukin dyan sa loob?" Irita kong tanong sakanila. Nagkatinginan naman silang dalawa at nagtawanan pa. Pahakbang na ako para bigyan sila ng tig isang suntok sa mukha ng bigla nalang humarap siya sa gitna namin. Naging pormal agad ang itsura at tayo nila at nag-bow pa sa harap nung lalaking 'to.
"Good Afternoon po, Sir Willston." Magalang nilang bati sakanya. Pero nagulat nalang ako ng bigla niyang sinuntok ang dalawang 'yun sa mukha dahilan para mapahiga sila pareho sa sahig. Nakita ko ang mga naging reaksyon ng tao sa paligid namin. Nagulat din sila tulad ko pero agad din silang bumalik sa mga kanya kanya nilang ginagawa. Nakita kong susuntukin niya pa sana ulit sa mukha yung mga 'yun pero pinigilan ko na siya.
"Tama na 'yan. Kung gusto mo sila bugbugin mamaya nalang. Dahil mag uusap pa tayo." Sinadya ko talagang ipakita sakanya ang kagaspangan ng ugali ko. Pero sa loob looban ko natuwa ako sa ginawa niya. Dahil para na 'rin niya akong ginanti sa dalawang ugok na 'yun.
"Kung gusto niyong galangin ko kayo, matuto kayong gumalang sa may ari ng pinagtatrabahuan niyo ngayon. Makita ko pa ulit na ganunin niyo siya at hindi lang 'yan ang mangyayari sainiyo, maliwanag ba?" Matigas niyang sabi sa dalawang asungot na 'yun. Tumayo na silang dalawa at agad na tumango. Nagsorry sila sa'kin at pati na sakanya. Natawa nalang ako sa mga itsura nila. Para kasi silang naging maaamong tuta eh.
Humarap na siya sa'kin. Akala ko masama pa 'rin ang itsura niya eh. Pero nung makita ko ang mga mata niya, kitang kita ko doon na masaya siyang makita ulit ako. Kahit sa'kin hindi ko maitatanggi na masaya ulit akong makita siya. Gusto kong pigilan 'tong nararamdaman ko pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Thank you for coming today Dylan. You don't have any idea how much you made my day." Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niyang 'yun. Hindi ko maintindihan kung ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko lang sobrang gaan ng pakiramdam ko sakanya. Lalo na habang kayakap ko siya ngayon. Parang ang tagal ko ng gustong maramdaman 'tong ganito, kakaiba kasi eh.
BINABASA MO ANG
Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince
Ficção Adolescente(Completed) What if, one day, a Drop Dead Gorgeous Cold Princess which only want is her freedom to do whatever she wants and to do as she pleases to. Accidentally met this Hot Gorgeous Jerk Gangster Prince which only want is to play around like a...