Chapter 65

3K 61 4
                                    

Let's Play

*

Top Nathan Rodriguez

Shit! Gabi na. Pero wala pa 'rin akong balita sakanya. Fuckng shit! Sinuntok ko ang manibela ng sasakyan ko. Onting onti nalang mababaliw na ako kakaisip dito.

Lumabas na ako ng sasakyan ko at sumigaw ng sumigaw. Wala na akong pakialam sa mga makakarinig sa'kin. Hindi ko na ma-control ang galit na nararamdaman ko ngayon. Umuulan pa ngayon shit talaga!

Kada sigaw ko patuloy 'rin ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko na kaya Zyra. Please, magpakita kana sa'kin. I badly want to see you right now. Please.

Pinapangako ko sayo kapag nagpakita kana ulit sa'kin hinding hindi na ako mawawala sa tabi mo. Hindi na kita pababayaang mag isa. Kahit pa mainis kana sa'kin hindi kita lulubayan. Napapikit nalang ako at napaupo sa lapag at sinandal ang ulo ko sa sasakyan ko.

Zyra, nasaan kana ba? Kailangan kitang makita. Dahil onti nalang mababaliw na ako dito. Natigilan ako ng biglang may tumawag sa'kin. Agad akong sumilong sa malapit na waiting shed at sinagot ang tawag.

"Zyra?!" Agad kong sabi nang makita ko siya. Pero hindi pala siya.

[Nathan, ako 'to si Sage.] Napahigpit ang hawak ko sa kamao ko ng magpakilala siya sa'kin. Gusto kong ibuntong sakanya lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit? Kasi dahil sakanya kaya sobrang nasasaktan ngayon si Zyea. And now, she is nowhere to be found.

"Gago ka! Napaka gago mo! Dahil sayo kaya nasasaktan ng sobra ngayon si Zyra. Damn you Luxcido!" Sobrang higpit ng hawak ko sa cellphone ko. Dahil naiimagine kong si Sage 'yun.

[Gusto ko lang sabihin sayo na alagaan mo siya. Alam kong nandyan na siya sayo ngayon sayo kaya please lang wag na wag mo siyang pababayaan. Dahil—"]

"What the fuck are you saying, Sage? Anong nandito na siya sa'kin? Tangina mo nawawala nga siya ngayon eh. Kanina ko pa siya hinahanap pero hanggang ngayon hindi ko pa 'rin siya makita kita!" Napasuntok ako sa katabi kong salamin kaya nabasag ko 'yon. Pero wala na akong pakialam. Nagdudugo na ang kamay ko ngayon pero wala na akong pakialam kahit mahapdi pa. Mas masakit pa ang nararamdaman ko ngayon kesa sa simpleng sugat na 'to.

[Ano?! Anong wala sayo? Umalis na siya dito kanina pa. Fuck!] Sabi niya at bigla nalang akong binabaan. Wait so nasakanya pala kanina pa si Zyra? Damn it! Hayop ka talaga Sage. Gustong gusto mo talaga siyang nakikitang nasasaktan! Pwes, ako naman ang mananakit sayo ngayon. Agad akong tumakbo papuntang kotse ko. Nang makasakay na ako pinaandar ko agad 'yun ng mabilis. Fuck you Sage! Mapapatay talaga kita kapag may nangyaring masama sakanya.

Napapreno agad ako ng biglang magvibrate ang phone ko sa bulsa ko. Tinignan ko agad 'yun. Pero unregistered number 'yun.

*

From: +09027******

You want to see her? Come and get her.

*

What the fuck?! Sino 'to?! Magtetext pa sana ako pero sinend niya na sa'kin kung nasaan si Zyra. Kaya mas importante si Zyra. Papunta na ako Zyra. Hintayin mo lang ako.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon