Chapter 70

3.1K 69 8
                                    

His Side (Part IV)

*

King Sage Luxcido

Isang araw na agad ang lumipas pero pakiramdam ko parang kanina lang nangyari ang lahat. Nandito kami ngayon sa condo ko. Ayoko munang pumunta sa bahay nila Loreigne. Dahil pakiramdam ko nasasakal ako kapag nandoon ako. Humiga ako ng dahan dahan sa kama ko at pumikit.

I missed her so damn much.

Napahawak ako sa labi ko, God! I missed her lips. Those kissable and reddish soft lips of hers is so damn addictive. Pakiramdam ko sa maikling oras na 'yun nang mahalikan ko siya naadik na agad ako sa labi niya.

I just missed her so much.

Sana pala medyo nagtagal ako doon. Papikit na sana ulit ako ng biglang mag ring ang phone ko. Dahan dahan kong inabot 'yun dahil nasa side table siya ng kama ko. Pero nang makita ko kung sino ang caller agad kumulo ang dugo ko.

Si Nathan.

--

"Hello?" Panimula ko. Pero hindi siya agad sumagot.

"Nathan, ano bang kailangan mo? Bilisan mo at busy ako." Pagsisinunggaling ko sakanya. Ayoko lang muna talaga siya makausap lalo na siya ang kasama ngayon ni Zyra. Kinakain ako ng selos dahil dapat ako ang nandoon at hindi siya.

Hindi nanaman siya nagsalita pero naririnig ko ang pag hinga niya sa kabilang linya. Ibababa ko na sana 'yung tawag ng bigla kong marinig ang pamilyar na boses na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

[S-Sage, ako 'to si Zyra.] Bigla akong naubusan ng sasabihin. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Sobrang kinakabahan ako na hindi maintindihan at 'yung puso ko naman. Ito sobrang bilis na nang tibok. Gusto ko ng sabihin sakanya na mahal na mahal ko siya at miss na miss ko na siya kaso hindi pa pwede, sa ngayon.

Dahil baka may mapahamak nanaman. Napapikit ako at huminga ng malalim. Ayokong gawin sakanya 'to, pero wala na akong ibang choice.

I'm so sorry, Baby. Please forgive me If I'll act this way again.

"Oh? Anong kailangan mo?" Shit! Nangingilid na ang mga luha ko. Namiss ko kasi talaga ang boses niya, sobra.

[P-Pwede ba tayong mag-usap?] Tanong niya sa'kin. Huminga ulit ako ng malalim at pumikit. Sasagot na sana ako ng biglang pumasok bigla dito sa loob si Loreigne.

"Sage, tara kain na tayo." Sabi niya sa'kin. Pero mahina lang kaya ramdam kong hindi niya narinig 'yun. Ibababa ko na sana 'yung tawag ng biglang magsalita ulit si Loreigne.

"Hon, sino ba 'yang kausap mo ha? Kakain na tayo eh." Nagulat ako sa sinabi niyang 'yun. Hindi agad ako nakapagreact dahil kausap ko pa si Zyra. Fuck! Ano ba satingin niya ang ginagawa niya? Tinignan ko siya ng matalim, pero hindi siya natinag non. Lumabas na siya ng kwarto ko.

"Nag uusap na tay--" Hindi niya ako pinatapos magsalita.

[S-Sino 'yung babaeng 'yun?] Tanong niya sa'kin. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon