Chapter 32

4.8K 123 3
                                    

Gang Fight

*

King Sage Luxcido

Nandito ako ngayon sa may labas ng bahay ni Zyra. Hinatid ko na siya. Hindi ko kasi siya pwedeng patulugin doon sa secret place ko. Dahil kahit secret place 'yun alam kong may nagmamasid samin. Sa'kin. Kaya minabuti ko nalang na ihatid na siya pauwi. Dahil makaka-sigurado akong walang mangyayari sakanyang masama dito. Dahil pag may nangyari sakanyang masama hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko.

Napatingin ako sakanya. Nakatulog kasi siya sa biyahe eh. Kilala niyo naman siya, diba? Tulog mantika 'yan eh. Kaya ito, tinititigan ko nalang siya habang tulog pa siya. Nandito pa 'rin kami sa loob ng kotse ko. Napaka-amo talaga ng mukha niya. Hindi ko talaga maikakaila na isa siyang magandang babae.

Ang bait bait niya din tignan pag tulog nga lang. Pag gising na kasi sobrang taray eh. Pero kahit ganon 'di ka talaga magsasawang titigan siya. Napatingin ako sa labi niya. Nanaman.

Hays. Ang hirap talaga kapag lalaki. Ang hirap magpigil. Nakaka-tempt. Hays. Bahala na nga. Nilapit ko sakanya ang mukha ko kaso napaurong agad ako ng bigla siyang gumalaw kaya napalayo nalang ako sakanya at tumingin sa ibang side.

"Sage. Nasaan na tayo?" Tanong niya narinig ko 'ring humikab pa siya. Halatang halata sa boses niyang kakagising niya lang eh. Husky voice. Bakit ba parang disappointed pa ako?

"Nandito na tayo sa bahay mo kanina pa. Kahit kailan talaga napaka tulog mantika mo." Tumingin ako sakanya. Halatang mukhang nahiya siya sa sinabi ko. Natahimik kasi siya pero tumingin siya agad sa'kin ng matalim.

"Edi sana ginising mo nalang agad ako. Hindi yung magsusungit ka dyan bigla. Sorry, ah? Sorry kung tulog mantika ako, ah? Tsk." Akala ko nahiya siya 'yun pala hindi. Natarayan pa tuloy ako. Hays. Tinangal niya na yung seatbelt niya at mukhang lalabas na. Pero pinigilan ko siya.

"Sorry." Natigilan siya sa sinabi ko. Ganon din ako. Pero kasalanan ko naman talaga. Pero hayaan na kahit hindi talaga ako sanay magsorry. Gagawin ko para sakanya. Humarap siya sa'kin.

"Sinabi mo bang sorry sa'kin?" Hays. Zyra nasaan nanaman ba ang common sense mo?

"Siguro sayo Zyra. Kasi ikaw lang naman ang kasama ko dito eh, diba?" Bigla naman siyang sumimangot at mukhang lalabas na talaga kaya pinindot ko yung auto lock ng kotse ko.

"Ano ba. Buksan mo na nga 'to. Lalabas na ako." Halatang galit talaga siya eh. Hinawakan ko ang kamay niya napalingon tuloy agad siya sa'kin.

"Ikaw naman kasi eh, alam mong ikaw at ako lang ang nandito sa loob ng kotse ko tapos magtatanong ka pa kung sayo ko ba talaga sinabi 'yun? Tss. Common sense nalang 'yun Zyra." Medyo natatawa ako habang sinasabi ko yan kasi biglang namula siya. Ewan ko kung bakit siguro dahil sa inis.

"Malay ko ba na ako pala talaga sinasabihan mo niyan. Malay mo naman, kinakausap mo sarili mo, diba? Common sense din, Sage. Tsk." Aba. Talagang hindi talaga magpapatalo. Fine. Ako na magpaparaya.

"Kaya nga nag sorry na ako okay? Sorry." Natigilan nanaman siya bigla. Ano bang problema niya sa sorry ko? Tumingin siya sa'kin at hinawakan niya ang pisngi ko. Bigla naman akong may naramdaman na biglang kuryente doon sa pisngi ko dahil sa paghawak niya sa'kin.

Ms. Cold Princess Meets Mr. Gangster Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon