Taehyung's POV:
We're in the midst of a road trip to the country's largest national museum.
Yung museum na 'to yung pangalawa sa huli naming pupuntahan.
"What's with that person you're always sketching, Taehyung? Who is he by the way?", Jisoo is becoming more and more confused by the man I always draw on my tablet.
Magkatabi kami ni Jisoo ng bus seat, at ako yung nakapwesto sa tabi ng bintana.
By the way, siya nga pala yung bestfriend ko since 1st year Highschool and we're now graduating.
I dreamed about this man several times already, but his face is always blurry.
He's always dressed in traditional attire, and our setting is always inside a palace from a past era.
"Weird man pakinggan, pero palagi ko siyang napapanaginipan. Almost everyday, Jisoo. Ayaw akong pagpahingahin sa kakaisip kung sino nga ba talaga 'to?", daldal ko habang patuloy pa rin sa pags-sketch.
Pinigilan niya yung kamay ko sa pags-sketch kaya napatingin ako sa kaniya.
"Naniniwala ka ba sa reincarnation?", napakunot yung noo ko nung marinig ko yung walang kwentang tanong.
"Naniniwala ka diyan? Kalokohan lang 'yan. Pag namatay ka, finish na.", kontra ko sa tanong niya.
Binitawan na niya 'ko tsaka siya nagpout.
"I'm just asking, you know? Baka lang naman naniniwala ka? Kasi kung hindi 'yan totoo, hindi ka guguluhin niyang lalaki na sine-sketch mo sa panaginip mo? Baka nagpapakilala na siya sayo?", napakaimposible talaga ng mga pinagsasabi nito.
"KakaWattpad mo 'yan.", pang-aasar ko.
Ayoko naman mag-isip tsaka magpakapraning na may reincarnation nga talaga dahil sa napapanaginipan ko.
But I have a boyfriend, and he's the one I should be dreaming about, BUT NO!
Yung lalaking hindi ko naman kilala na mukhang nabubuhay pa sa panahon ng kopong-kopong 'tong palaging nasa panaginip ko!
So freaking weird!
"Nakita na ba ni Jinyoung 'yan?", nadawit na naman pangalan ng boyfriend ko sa tanong ni Jisoo.
"Di pa. Di naman niya kailangang makita. Drawing ko lang naman 'to.", unnecessary naman kung ipapakita ko pa sa kaniya 'tong normal na drawing lang na 'to diba?
Naalala ko tuloy si Jinyoung.
Nasa museum na kaya sila?
Nauna lang yung bus number nila kanina sa'min.
Magkaiba kami ng course na kinuha.
Bachelor of Arts and Design yung akin and BS Psychology naman siya.
Almost 4 years na yung relationship namin and we're going stronger and stronger.
"Tae? Si Jinyoung, nagmessage sayo.", napansin ni Jisoo yung screen ng phone ko na biglang lumiwanag.
Nakapatong kasi sa gitna namin ni Jisoo kaya nakita niya agad.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...