Taehyung's POV:
Ilang araw na mula nung nasiyasat si Jisoo.
May mga nagbago na rin sa palasyo tsaka sa bayan na 'to mula nung si Prinsipe Junghoon na yung na-upo bilang Hari ng bayan ng Albirea.
Mas tinaasan nila yung buwis para sa mga tao kaya yung iba, nahihirapan na sa pagbili ng mga pagkain, mga gamit tsaka mga halamang gamot.
Biglaan yung decision and announcement ng Hari sa mga mamamayan kaya lahat sila, maging kaming mga mananalaysay is shook na shook kasi kawawa yung mga tao.
Ito na nga ba yung sinasabi ko.
Sa oras na si Prinsipe Junghoon yung maluklok, malulubog talaga sa kahirapan yung bayan na 'to na sasaluhin ni Prinsipe Jaehyun kaya siya yung mas mahihirapan.
"Ngayong narito na ang angkan ng mga kamahalan sa bayan ng Callia, isasalaysay ko na ang nais ng aking Inang Reyna at nais ko. Batid naman nating lahat na wala na ang Haring Jaejoon, at ako na ang magpapasya sa lahat rito para sa bayang ito. Nais ko na ipanukala ang magaganap naming kasal ni Prinsesa Joohyun sa darating na susunod na linggo. Siya ang nais ko na mapangasawa kung inyong mamarapatin?", announcement ni King Junghoon habang sama-sama kami sa meeting sa meeting room.
Nakita ko yung itsura ni Prinsesa Joohyun na mukhang okay lang naman sa kaniya pero yung mga mata niya hindi nagsisinungaling.
Wala rin naman siyang magagawa kung pati yung tatay niya pumayag na lang sa gusto ni Haring Junghoon.
Hindi gusto ng Hari ng Callia yung magkaroon ng misunderstanding sa bayan na 'to kaya hanggat maaari, kung alam niyang wala namang magiging epekto sa bayan nila, susundin niya na lang kesa sa magkagulo.
Hindi ko rin alam kung ano yung mangyayari kung mapangasawa ni Haring Junghoon si Prinsesa Joohyun?
Hindi naman na rin kasi masyadong into detailed yung mga nakasulat sa History Books tungkol sa mga love life ng mga Prinsipe.
"Kung mapuputol ang ating mga napag-usapan noong mga nakaraang araw patungkol sa pagbubuklod ng aming mga Prinsesa sa inyo, ano ang maibibigay ninyong garantiya sa kaharian ng Callia upang magkasundo tayo sa iyong nais na ipanukala, Haring Junghoon?", gusto lang naman ng Hari ng Callia ng assurance siguro?
Ayaw niya na mai-kasal sina Prinsesa Joohyun sa kanila nina Prinsipe Jaehyun ng walang kasiguraduhan sa magiging kasunduan na makakatulong sa both kingdoms.
Pagpapakasal ng mga Prinsesa sa mga Prinsipe dito sa mundong 'to yung nagiging assurance ng pakikipagkasundo tsaka pagcollab ng mga kaharian sa ibang kaharian.
"Kung ang iminungkahi ng namayapang Hari sa inyo noon ay ang patungkol lamang sa mga pag-aangkat ng mga pagkain, halamang gamot o mga bagay, ang maipapangako ko naman sa inyo kapalit ng aking mungkahi na mapakasalan si Prinsesa Joohyun ay mas mabibigyan ko ng malaking kasiguraduhan ang tatag ng kaligtasan at seguridad para sa ating mga bayan sa pamamagitan ng aking mga kawal at pakikiisa ng aking mga kapatid sa inyong mga anak sa pakikipagdigma. Ipinapangako ko rin na magkakaroon ng mapayapang buhay si Prinsesa Joohyun. Nais ko ang inyong anak, mahal na Hari. Hindi ko siya pababayaan gaya ng hindi ko pagpapabaya sa aming bayan.", mga matatamis tsaka mabubulaklak na pangako ni Haring Junghoon na para siyang tumatakbo sa politika.
Nabaling yung tingin ni Haring Junghoon kay Prinsesa Joohyun.
"Ano ang iyong masasabi sa aking mungkahi, Prinsesa? Mayroon ka bang pagtutol o wala na?", mga tanong ni Haring Junghoon sa Prinsesa.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...