Taehyung's POV:
Gulong-gulo ako na bumabalik sa bahay ni Prinsipe Jungkook.
Parang nasabaw ako sa ginawa ni Prinsipe Jaehyun sa'kin.
Hawak-hawak ko pa rin kasi yung labi ko.
Sa sobrang kalutangan ko, di ko namalayan na may nabangga na pala 'ko sa paglalakad.
Si Prinsipe Junghoon.
Natataranta akong nagbigay galang sa kaniya tsaka niya hinatak yung braso ko kaya napalapit ako sa kaniya.
Binaba niya yung damit ko sa may shoulder part tsaka siya napasmirk.
"Ikaw nga. Maligayang pagdating sa palasyong ito, Taehyung. Ano't ngayon ko lamang napagtanto?", naguguluhan ako sa tanong niya.
Napatingin din ako sa shoulder ko and may nakita akong maliit na balat.
Kailan pa 'ko nagkaroon neto?
Padabog niya 'kong binitawan tsaka ko inayos yung damit ko.
"Di ko po kayo maintindihan, kamahalan.", wala talaga akong magets, promise.
"Mauunawaan mo rin sa takdang panahon. Mapagtatanto mo rin kung ano ang kapalaran na naghihintay sa iyo rito. Nawa'y makatagal ka. Mukha ka pa namang mahina?", may halong panlalait niyang response bago niya 'ko lampasan.
Nakita kong nakasunod na naman sa kaniya si Jisoo kaya nagtaka na talaga ako.
"Ano ang iyong tinititig-titig, Taehyung?", kalmadong tanong ni Jisoo sa'kin.
"Diba dapat kasama ka ni Prinsipe Jungkook ngayon? Bakit si Prinsipe Junghoon yung.. kasama mo?", nagtataka kong tanong.
Nagchuckle lang siya.
"Hindi ba't ganiyan ka rin naman kay Prinsipe Jaehyun? Ano ang ating pagkakaiba? Mayroon lamang akong isang mahalagang takda na kailangang gawin kaya kasama ko ang mahal na Prinsipe Junghoon. Ikaw? Ano't kasama mo si Prinsipe Jaehyun?", rebut niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...