Chapter 43

77 6 0
                                    

Prince Jungkook's POV:

Napasilip ako ng patago sa aking pintuan nang marinig ko na nag-uusap si Jisoo at Taehyung, at ang narinig ko na lamang ay nais nila akong pangalagaan.

Hindi ko batid kung ano ang layunin ng dalawang ito, kung bakit nais nila akong ingatan gayong batid naman nila na kahit kailan ay hindi ako mapapahamak at hindi ako mapapaslang.

Magiging Hari ako ng bayan na ito na hindi ko na kinakailangan pang dumaan sa pagkakapiit o pagtanggap ng parusa.

"Anong kasaysayan ang inyong babaguhin?", katanungan ko kaya naman napalingon silang dalawa sa akin.

Nagtinginan muna sila bago sumagot si Jisoo.

"W-wala po, kamahalan. Napag-usapan lamang po namin ni Taehyung na kung.. kung may nais kami na.. b-baguhin na kasaysayan, kanino iyon at bakit?", batid ko na nagsisinungaling siya.

Napatingin ako sa maamong wangis ni Taehyung na namimilog pa ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Ngayong mayroon kayong laya upang gamitin ang inyong mga oras, ano't narito pa rin kayo? Maglibot kayo o kaya naman gawin ninyo ang inyong mga nais na gawin. Wala akong pakielam.", walang damdamin kong kautusan sa kanila, "Ikaw? Kung nais mo na magtungo kay Jaehyun upang makasama siya, magtungo ka na roon.", pahabol ko kay Taehyung.

"Pilit kitang itinataboy at itinatakwil patungo kay Jaehyun, ngunit batid ko naman na masasaktan lamang ako sa sandaling sundin mo ang aking kautusan. Bakit nais ko na pinapahirapan ang aking sarili at patuloy na isampal mismo sa akin na kahit kailan, hinding-hindi mo ako pipiliin? Bakit, Taehyung?", aking mga palaisipan habang nakatitig sa mga mata niya.

"Kung nais mo na magtungo kay Prinsipe Jaehyun, magtungo ka na. Dito lamang ako at magbabantay kay Prinsipe Jungkook kasama si Ginoong Sunghyun.", salaysay ni Jisoo kay Taehyung kaya naman nagbigay galang siya sa akin bago umalis.

Habang pinapanood ko ang paglayo ni Taehyung, pakirot naman ng pakirot ang aking puso.

"Maaari ba na itigil mo na ang pag-aalala mo sa akin? Maaari ba na itigil mo na ang pagpapakita at pagpaparamdam mo na mahalaga ako sa iyo? Hindi ka nakakatulong na mawala ang pagtatangi na nararamdaman ko. Mas lalo lamang lumalalim habang pilit ko itong nilalabanan. Tulungan mo naman ako na mapawi ang aking nararamdaman sa iyo. Huwag mo na akong pahirapan pa.", batid ko na walang kasalanan si Taehyung kung bakit ko ito nararamdaman sa kaniya.

Likas sa kaniya ang pagiging mabait, sutil, masiyahin, pagiging mahina at marupok na nagiging dahilan upang mas lalo ko siyang nais mahalin at pangalagaan.

Batid ko na rin kung sino ang gumagawa ng aking agahan, at si Taehyung iyon.

Nagising na ako kanina nang gisingin ako ni Ginoong Sunghyun ngunit hindi lamang ako lumalabas ng aking silid, hanggang sa marinig ko ang kanilang usapan ni Taehyung at magtungo sila sa aking silid-lutuan upang magluto.

Mas lalong umantig ang aking damdamin nang muli ko na namang makita ang mga gulay na may ukit na nakangiti, at batid ko na si Taehyung din ang gumawa.

Dahil sa kaniyang mga ginagawa, mas lalo akong nahihirapan na pawiin ang aking pagtatangi sa kaniya, sapagkat siya lamang ang nag-iisang tao rito na nagpaparamdam sa akin na natatangi ako at nararapat paglaanan ng natatanging pakikitungo.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon