Chapter 17

99 5 0
                                    

"Ano pong sinabi niya?", labis siyang nagtaka sa aking sinambit.

Napangiti na lamang ako nang maalala ko ang aming mga napag-usapan sa aking tahanan bago ako pumunta rito.

// Flashback //

Kakatapos ko lamang sa pagbabasa at aking naisipan na makipagkwentuhan kina Jimin at Hoseok.

"Aking mga mananalaysay? Mayroon lamang sana akong itatanong kung ayos lamang sa inyo?", mahinahon kong katanungan sa kanila.

Kasama ko sila sa aking silid tulugan sapagkat dito ako nagbabasa ng aking mga aklat.

"Kahit ano po ang inyong naisin, kamahalan.", walang pag-aalinlangang kasagutan ni Jimin at sumang-ayon din si Hoseok.

Inayos ko ang aking pagkakaupo at tsaka ako sumulyap sa kanila ng masinsinan.

"Umibig na ba kayo?", nagkatinginan silang dalawa at lumingong muli sa akin.

"Hindi pa po, kamahalan. Bakit niyo po naitanong?", naguluhan silang bigla.

"Nais ko sanang malaman kung paano mo matitiyak na mayroon ka ng nararamdaman sa isang tao? Kung siya ba ay nagugustuhan mo na o itinatangi mo na siya?", nakangiti kong katanungan sa kanila.

Ni minsan kasi ay hindi ko pa naranasang umibig sapagkat hindi ko rin batid ang dahilan.

Ilang mga kababaihang mananalaysay na ang nagdaan sa akin ngunit wala akong naibigan sa kanila kahit isa.

"Mukhang mayroon ng nakapagpabihag sa puso ng ating mahal na prinsipe? Isa ba sa mga Prinsesa ng bayan ng Callia, Prinsipe Jaehyun? Sino po sa kanila? Si Prinsesa Jennie o Prinsesa Joohyun?", panunukso ni Hoseok.

"Marahil ang Prinsesa Joohyun? Madaling nagkagaanan ang inyo pong mga kalooban nang sila'y pumarito.", pagdurugtong ni Jimin.

Ngumiti lamang ako ngunit hindi ko sila sinagot.

"Sabihin niyo na ang inyong mga nalalaman. Pakiusap? Husto na ang inyong panunukso.", natatawa kong turan sa kanila.

Nilapitan ako nina Jimin at Hoseok at tinabihan ako sa aking kama.

"Nagbabasa naman po kayo ng mga aklat patungkol sa pag-ibig hindi po ba?", katanungan ni Hoseok sa akin.

"Oo, ngunit hindi ko batid kung totoo ang lahat ng aking mga nabasa patungkol sa pag-ibig? Batid niyo naman na hindi pinapahintulutan rito sa loob ng palasyo ang mga librong patungkol sa pag-ibig at bilang na bilang lamang ang mga ganoong aklat sa silid aklatan. Kaya't sagutin niyo na ang aking katanungan.", katwiran ko.

"Ayon po sa isinalaysay sa akin ni Seokjin noon nang kami po ay mga baguhang mag-aaral pa lamang bilang mga mananalaysay, mayroon daw po siyang inibig at nahulog ang kaniyang damdamin sa loob lamang ng isang linggo nilang araw-araw na pagsasama. Gusto po niya na araw-araw na niya itong nasisilayan, pagkatapos po ay walang araw na hindi siya napapangiti kapag magkasama sila. Nabubuo raw ang kaniyang araw sa tuwing sila'y nagkakausap, at matitigan lamang ni Seokjin ang mukha ng kaniyang iniibig, sapat na raw ito sa kaniya kahit wala itong ibang gawin para sa kaniya.", mga kasagutan ni Jimin sa akin.

Matitigan lamang ang kaniyang mukha ay sapat na kahit wala itong gawin?

Nabubuo ang araw kapag magkausap at walang araw na hindi siya nito napapangiti?

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon