"Maaari bang ilipat muna siya sa aking silid, Jungkook? Nais ko sana na masaksihan at mabantayan siya hanggang sa kaniyang paggising.", paalam ni Jaehyun sa akin habang kami ay magkatabing nagbabantay kay Taehyung.
"At bakit? Siya'y aking mananalaysay. Nararapat lamang na dumito lamang siya hanggang sa siya'y malunasan na. Ano't labis-labis ang iyong pag-aalala sa kaniya?", wala na akong pakielam kung ipagdamot ko si Taehyung sa kaniya.
"Sapagkat siya'y aking tinatangi. Minamahal ko na siya, Jungkook. Nang malaman ko ang nangyari sa kaniya ngayon, lubha akong nag-alala. Natatakot ako na bigla na lamang siyang lumisan sapagkat hindi siya magising. Mananalaysay mo lang naman siya, hindi ba? Mananalaysay lamang ang iyong turing sa kaniya at wala ng iba?", pagtatapat niya ng kaniyang tunay na nararamdaman.
Kaming dalawa lamang ang nasa aking silid maliban kay Taehyung kaya malaya niya itong sabihin sa akin ng walang sino mang mga mananalaysay ang makakarinig.
"Iniibig mo siya? Talaga?", mas lalo akong nawalan ng pag-asa.
Ang akala ko ay si Taehyung lamang ang mayroong lihim na pagtatangi kay Jaehyun?
Ngunit ngayon, iniibig na rin siya pabalik ng aking kapatid.
"Malinaw ang iyong narinig. Tinatangi ko na ang iyong mananalaysay. Kaya't sana ay pagbigyan mo ako?", pakiusap niya sa akin.
"Ayoko. Dito lamang si Taehyung sa aking silid. Hindi siya aalis rito. Dito siya magpapagaling.", pagdadamot ko.
Si Taehyung na lamang ang mayroon ako kaya wala na akong pakielam kung sarili kong kapatid ang aking pinagdadamutan.
"Ano't nagdadamot ka na sa akin? Batid ko na kinamumuhian mo ako bilang iyong kapatid ngunit ni minsan ay hindi ka nagdamot. Ipinauubaya mo sa akin ang lahat. Ang aking tahanan na dapat ay tahanan mo, ang sandata ko na dapat ay sandata mo. Ang mga kasuotan ko na dapat ay kasuotan mo. Bakit ipinagdadamot mo si Taehyung sa akin ngayon? Magtapat ka, Jungkook. Mapusok at mainitin lamang ang iyong ulo, ngunit ni minsan ay hindi ka nagsinungaling.", malumanay niyang kasagutan habang siya'y nakatingin sa akin.
"Kay rami mong sinasabi. Basta't dito lamang siya. Tapos ang usapan.", paglilihis ko ng usapin.
"Tinatangi mo na rin ba si Taehyung? Iniibig mo na rin ba siya?", tinanong na niya ang nais niyang itanong.
"Paano kung sabihin ko na oo? Ano ang gagawin mo?", matapang kong kasagutan.
"Kung gayon, hayaan na lamang natin na si Taehyung ang magpasya. Hindi natin kinakailangan na makipagpaligsahan sa isa't-isa para makuha ang kalooban at pagmamahal niya. Hindi ko nais na masira ang ating pagiging magkapatid dahil lamang rito.", hindi ko inaasahan ang kaniyang kasagutan.
"Kung ako ang pipiliin niya, basta mo na lamang tatanggapin? Hindi mo ipaglalaban? Ganiyan ka ba magmahal?", walang pagdadalawang-isip kong katanungan.
"Tignan natin? Ngunit kilala mo ako, Jungkook. Hindi ako madaling magpatalo kung ang aking ipinaglalaban ay nararapat ipaglaban..", sandali siyang napatigil, "hanggang kamatayan.", dugtong niya.
Napangisi ako sa kaniyang paninindigan para sa pagtatangi niya kay Taehyung.
"Ihahanda ko na ba ang aking sarili sa kamatayang aking kahaharapin dahil sa pagtatangi nating dalawa kay Taehyung?", mauyam kong kasagutan.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...