Chapter 8

118 6 0
                                    

"Aray! Yung hita ko! Parang dudurugin mo na eh?", reklamo ko habang tinatahi ko pa rin yung sugat niya.

Binitiwan niya 'ko and sa bed sheet naman siya napakapit.

Nung natapos ko ng matahi yung sugat niya, nakita kong nakatitig siya sa'kin.

"Sa susunod wag kang magmamarunong kung ayaw mong buong braso mo na yung maputol sa mali ng pagkakatahi mo. Maliwanag po ba, kamahalan?", tanong ko.

"Lumabas ka na. Ako na ang maglilinis ng aking sugat.", may nakakalimutan siyang sabihin sa'kin.

Thank you, ha?

After kitang tulungan, papalabasin mo lang ako ng ganto?

"Walang anuman, kamahalan. Sige po, iiwan ko na po kayo.", pagpaparinig ko.

Hindi man lang natinag.

Wala talagang thank you.

Badtrip ako na lumabas ng kwarto niya tsaka ako bumalik sa may mini table.

"Hindi ako pwedeng umalis na lang dito. Di pa tapos yung shift ko. Anong oras ka ba matutulog? Inaantok na din ako, please? I want to sleep. I'm tired. Di ko naman ginusto 'to, eh.", pabulong na reklamo ko.

Niyukyok ko yung ulo ko sa table dahil sa antok.

Bahala na, bwiset!

•~•

Ang tahimik ng paligid!

"Gago? Nakatulog ako?! For real?!", pinunasan ko pa yung laway ko na tumulo bago ako bumalikwas ng tayo.

Naalimpungatan ako nung narinig kong bumukas yung pintuan sa tabi ko kaya napasilip ako agad.

Nahuli ko si Prinsipe Jungkook na sumisibat palabas ng palace kaya sinundan ko siya ng patago.

Ang taas niyang tumalon tsaka siya kumapit sa tuktok ng dingding at nagover the bakod.

Wala man lang tunog kaya di siya napansin ng mga tatanga-tangang mga kawal sa may gate.

"What the fuck? Pinaglihi ka ba talaga sa pusa?", pabulong kong tanong.

Nung malapit na 'ko sa gate, may humila sa'kin at dinala ako sa may madilim na sulok.

"Saan ka patutungo?", familiar yung boses sa'kin.

Si Prinsipe Jaehyun!

"Susundan ko po si Prinsipe Jungkook, kamahalan. Tumakas na naman.", kalmado kong sagot.

"Ng ganiyan ang iyong kasuotan? Ipapahamak mo si Jungkook, Taehyung. Batid ng lahat sa labas ng palasyo na ikaw ay isang mananalaysay kung ganiyan ang iyong kasuotan. Batid na ng mga mamamayan roon ang aking wangis at ni Junghoon ngunit hindi ni Jungkook. Kung lalabas ka ng ganiyan ang iyong kasuotan, iisipin ng mga mamamayan sa labas na mayroong Prinsipe na nakalabas ng palasyo at magsisimula silang maghanap kung sino ang prinsipe na iyon.", mahinahon niyang paliwanag sa'kin.

"Wala po akong ibang dala na kasuotan kung hindi ganito lang, kamahalan. Paano ko po siya masusundan sa labas?", pang-historian lang talaga yung mga damit na pinabaon sa'min ni Ginoong Seojoon.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon